^

Pang Movies

Aktres enjoy sa lalake, enjoy din sa babae!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Enjoying the best of both worlds daw ang isang aktres. Kasi naman, pareho niyang ini-enjoy ang dalawang kasarian na nagpapasasa sa ganda’t katawan niya, huh!

Ang tsismis sa aktres, alaga siya ng isang maimpluwensiyang tibo ngayon. Pero meron din siyang kinikilalang boyfriend, huh! ‘Yun nga lang, may chika na front lang niya ang lalaki nang sa gayun, hindi masyadong maugnay ang name niya sa tomboy!

Bilib nga raw ang mga nakakaalam sa sexual preference ng aktres. Never naapektuhan ang kanyang career at hindi natitinag ang may gusto sa kanya. Aktibo pa rin siya sa showbiz at in demand pa rin sa mga commercials, huh!

Heart ipinagkakait ng mga magulang, takot mawalan ng sustento at komisyon???

Masyado namang ipinagkakait ng parents ni Heart Evangelista ang personal na kaligayahan ng anak! Dumating pa sila sa puntong ipinagsisigawan sa buong mundo ang pag-ayaw nila sa boyfriend nitong si Senator Chiz Escudero, huh! Tama ba naman ‘yon?

Diyos ko naman, ilang taon na ba si Heart? Puwedeng palampasin ang pag-ibig ni Heart noon kay Jericho Rosales dahil that time, bata pa ang aktres. Bumubongga pa ang career niya nu’ng makarelasyon ang aktor.

Pero ngayong 28 years old na ang aktres, at responsible naman ang BF niyang senador, ano pa ba ang ayaw nila eh, wala namang ginagawang masama ang senador, huh! Saka si Heart naman, kung alam niyang dehado siya kay Chiz, hindi na sana niya pinatulan ito.

Takot ba ang magulang ni Heart na mawala ang perang nakukuha nila sa anak once na pakasalan siya ni Sen. Chiz?

Ang balita namin, 100K every month ang tinatanggap ng ama mula kay Heart habang 30 percent naman ang komisyon ng ina sa mga showbiz earnings nito.

Nangangarap din naman si Heart na magkaroon ng sariling pamilya. Ito ang dahilan ng pagpapakapagod niya sa showbiz. Pero kung ganyan namang halos pakialaman na ng ama’t ina sa tuwinang magkakaroon siya ng boyfriend, aba, hindi masisisi si Heart kung lumabas na naman ang pagiging rebelde niya, huh!

Hmppp!

Dulce naging sandalan ni Susan Fuentes

Naging sandalan pala si Dulce ng tinaguriang Queen of Visayan Songs na si Susan Fuentes nang iwanan siya ng asawa at kunin ang mga anak. Sa hindi nakaaalam, si Susan ang nagpasikat ng kantang Miss Kita Kung Christmas at Visayan songs na Usahay at Matud Nila.

Mapapanood ang kuwento ng buhay ni Susan sa Magpakailanman ngayong Sabado. Si Glaiza de Castro ang lalabas bilang si Susan habang si Aicelle Santos ang gaganap bilang Dulce na kumupkop sa kanya.

 

vuukle comment

AICELLE SANTOS

CHIZ

HEART

HEART EVANGELISTA

JERICHO ROSALES

MATUD NILA

MISS KITA KUNG CHRISTMAS

NAMAN

PERO

SUSAN FUENTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with