^

Pang Movies

Jolina, handa nang maging nanay

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nanay na ang role ni Jolina Magdangal sa Mundo Mo’y Akin ng GMA 7. Gagampanan nito ang karakter ni Aida at siya ang nanay ni Alden Richards.

Sa tunay na buhay ay hindi pa niya nararanasang maging nanay dahil wala pa silang anak ng asawang si Marc Escueta. Konti lang ang agwat ng edad nila ni Alden sa totoong buhay.

Nakiuso lang si Jolina kaya niya tinanggap ang nasabing role.

Bukod sa Mundo Mo’y Akin ay lumalabas pa rin si Jolens sa Party Pilipinas at Personalan sa GMA News TV.

Louise hindi pa rin nililigawan ni Alden

Enjoy naman si Louise delos Reyes sa kanyang karakter bilang pangit na palaban sa Mundo Mo’y Akin at di apektado kahit lagyan pa ng prosthetic make-up.

Graduating ngayong April ang magandang aktres ng Foreign Service sa Lyceum Dasma at itutuloy ito sa kursong Law kapag maluwag ang commitment. 

Maganda ang takbo ng kanyang career, may ilang product endorsement na at di nababakante sa teleserye ng GMA 7 bukod pa sa indie film na Island Dream kung saan isang French actor ang leading man.

Hindi ba siya nililigawan ni Alden?

‘‘Hanggang magka-loveteam lang kami at maganda ang ating chemistry off-cam magkaibigan ang turing namin sa isa’t isa’’ anang aktres.

Angel at Phil bonding sa holyweek

Wala namang nagreklamo sa pagkapanalo ni Angel Locsin sa Movie Actress of The Year ng Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club.

Excited na itong makasama sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, at Shaina Magdayao sa isang pelikula na ididirek ni Cathy Garcia Molina. Makakasama din si Connie Reyes na gusto rin niyang makatrabaho.

Type ni Angel na mag-Semana Santa sa Batangas kung saan may bahay bakasyunan ito dun kasama ang pamilya at Phil Younghusband at mga kapatid nito. Makakapag-bonding nga naman sila ‘di ba?

 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANGEL LOCSIN

BEA ALONZO

CATHY GARCIA MOLINA

CONNIE REYES

FOREIGN SERVICE

LYCEUM DASMA

MARC ESCUETA

MUNDO MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with