^

Pang Movies

Richard yap maraming natutuhan nang sumikat

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sa Thanksgiving presscon ng Be Bareful With My Heart ay tinanong si Richard Yap na kilala bilang Papa Chen at Sir Chief kung inakala ba niyang sisikat siya sa pagpasok sa showbiz.

Ayon sa Papa ng Bayan hindi niya akalain na sisikat siya sa kabila ng kanyang edad (45 years old at may asawa pa) pero malaki ang natutunan niya sa pag-aartista.

‘‘Mahiyain din ako bilang marketing man pero sa showbiz kailangan ang PR cause you meet people from all walks of life,’’ aniya.

Malakas ang dating ni Richard at ang daming kinikilig sa tambalan nila ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful With My Heart. Ayon sa aktor ay ibinabatay niya ang malaking tagumpay ng serye hindi lang sa istorya at kilig ng tambalan kundi gayundin sa lahat ng bumubuo ng serye gaya ng mga writers at director.

Sa kabilang banda aarangkada na ngayong Marso ang World Tour ng Be Careful With My Heart kung saan dadalawin nila ang Middle East, USA at Canada, Japan at sa Europe.

Jodi tahimik pa rin sa lovelife

Tinanong si Jodi Sta. Maria kung paano niya isinelebrayt ang Valentine’s Day. Ayaw nitong banggitin ang pangalan ni Jolo Revilla pero sinabing simple dinner lang sila noong Araw ng mga Puso.

Mas mahalaga sa kanya ngayon ang career at excited na sa world tour ng Be Careful With My Heart kasama ang cast.

Inamin nito na talagang nagandahan siya sa istorya ng teleserye at noong binabasa ang script ay kinikilig na siya.

Daisy ginastusan ang kumpil ng apo

Ginastusan nang malaki ni Daisy Romualdez ang kumpil ng kanyang apo kay Tina Paner. Naghanda ito sa five star hotel pagkatapos ng kumpil sa San Agustin Church.

Maganda ang bata na siyam na taong gulang kaya lang malayo pa ang loob kay Daisy. Bongga ang kumpil dahil isa sa ninang si Miriam Defensor Santiago at mga kilalang personalidad sa iba’t ibang sector ng lipunan. Nagbalikbayan si Tina Paner kasama ang kanyang anak para madalaw ang kanyang ina at makilala ang apo nito.

vuukle comment

AYON

BE BAREFUL WITH MY HEART

BE CAREFUL WITH MY HEART

DAISY ROMUALDEZ

JODI STA

JOLO REVILLA

MIDDLE EAST

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

PAPA CHEN

TINA PANER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with