^

Pang Movies

Geneva malakas ang loob sa hiwalayang Cesar at Sunshine

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kahit hindi siya ang pinakasalan, malakas ang loob ni Geneva Cruz na magpahayag na gusto nang lumaya ng kanyang pinsang si Sunshine Cruz mula sa kanyang mister na si Cesar Montano.

Gumawa na ng unang hakbang ang nasaktang misis. Tinanggal na niya ang apelyidong Montano sa kanyang Twitter account. Ang ginagamit na niyang name, Sunshine Cruz.

Baka hindi na matuloy ang honeymoon nina Cesar at Sunshine sa Vienna, Austria na balak ni mister kung magkakabalikan sila.

Well, kumain na lang ng Vienna sausage si Cesar sa almusal na masarap kapag may scrambled eggs!

Kita sa mga dina-download na kanta mas madaling sabihin, mahirap gawin?

Maraming mga grupo na gustong tumulong sa mga singer/musikerong Pinoy upang labanan ang mga chronic prob­lem sa music industry. Ewan kung madali lang maglagay ng Internet site na puwedeng mag-download ng mga kanta tulad ng iTunes at Amazon.

Maaaring gawin ito ng OPM (Organisas­yon ng mga Pilipinong Mang-aawit) o iba pang m­aningil ng P25 sa ida-download bawat kanta, maaaring ku­nin ang P10 ng OPM at ang P15 paghahatian ng singer, composer, at producer. Kung ang artist ang nag-iisang gumawa ng tatlong trabaho, buung-buong kikitain niya ang P15.

Maka-isang milyong hits sa download site ang kanyang kanta, kikita na siya ng P15 million at ang OPM naman P10 million! Madaling sabihin, mahirap kayang gawin?

Young actor ipinagpalit ang ‘tuta’ sa beking breeder para makuha ang inaasam na mamahaling aso

Super mahalia (mahal) ang purong lahi ng isang imported breed na aso. Pangarap ng isang poging young actor na magkaroon ng alagang tulad nito na maaaring kaya niyang bilhin kapag pinalad ang kanyang career.

Kaya lang sabik na siya sa mamahaling dog kaya ­na­­ki­­­­pag-ex­change deal siya sa isang beking dog breeder.Ipinalit niya ang kanyang ‘tuta’ para maangkin ang expensive dog!

Hinihimas pa lang ng baklesh ang tutang papa­lag-palag, mukhang nasulit na ang halaga ng mahaling aso.

Angelica wala sa katuwiran kung magseselos

Ang ating quote of the week, mula kay Ange­li­ca Panganiban: ‘‘Parang living saint si Sarah Ge­­ro­nimo. Siya na yata ang pinakamabuting tao sa showbiz.’’

Kaya wala sa katuwiran si Angelica kung pagsese­losan niya si Sarah G. na makakatambal muli ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa pelikulang It Takes a Man and a Woman. Pawang mga blockbuster ang lahat ng pinagtambalan nina Lloydie at Sarah G., kaya ayos lang na magkaroon ng fourth reunion movie ang dalawa.

Lea na-miss sa Broadway

Pinapurihan ng Playbill.com ang performance ni Lea Salonga sa Ragtime concert staged at the Lincoln Center, New York last Monday. Ang sabi sa review, na-miss na ang magandang boses at ma­husay na performance ng Pinay international star sa Broadway tulad ng nasaksihan ng lahat sa Ragtime.

Hiling ng mga nakapanood sa kanya, lumikha ng isang bagong Broadway musical ang writers and producers ng Ragtime ng isang bagong Broadway musical na bida si Lea Salonga.

Aparisyon nominado sa main competition sa filmfest sa France

Ang Pinoy indie film na Aparisyon (Apparition) ay lalahok sa main competition ng Deauville Asian Film Festival sa France on March 6-10. Nominado ang horror movie ni Vincent Sandoval sa Best Picture, na magwawagi ng Lotus D’Or (Golden Lotus) award.

Bida sa Aparisyon sina Jodi Sta. Maria, Mylene Dizon, Ra­quel Villavicencio, at Fides Cuyugan-Asensio.

vuukle comment

ANG PINOY

APARISYON

LEA SALONGA

SARAH G

SHY

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with