^

Pang Movies

Love team nina Barbie at Derrick fake?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukha namang pilit na pilit ang pagla-love team kina Barbie Forteza at Derrick Monasterio. Napakarami nilang publisidad mula sa mga publicist ng kanilang network pero wala kaming naririnig na tunog ng kanilang tambalan mula sa fans. Hindi maikakailang mas matunog noon ang tambalan nina Barbie at Joshua Dionisio. Kaya noon sila ang No. 1 sa lahat ng young stars sa kanilang network.

Ngayon, puro fake na lang ang love team nila.

Pulis mahirap nang paniwalaan!

Huwag na nating isipin na siya ay vice mayor eh, kung ang isang kilalang artistang kagaya ni Isko Moreno ay maaaring damputin ng mga pulis dahil sa bintang na illegal gambling, at detinehin sa presinto nang labindalawang oras bago iniharap sa piskalya, para malaman lamang naman mula sa piskal na walang sapat na ebidensiya ang mga humuli at nagsampa ng demanda laban sa kanya, hindi ba nakakainis iyon?

Hindi ba may six-hour rule tayo na dapat maipag­harap ng demanda sa piskalya ang isang nahuli sa loob ng anim na oras kung hindi ay magiging illegal detention iyon at labag sa kanyang karapatan bilang tao?

Kung nagagawa ng mga pulis na ma-detain ng isang kilalang tao na kagaya ni Isko, at iyan ay sa Maynila pa naman kung saan siya ay isang opisyal din ng lungsod, paano nang ipipikit ang mga mata sa mga abuso ng pulisya sa mga probinsiya? Hanggang ngayon nga hindi pa maipaliwanag ng PNP (Philippine National Police) ang nangyaring massacre sa Atimonan, Quezon na pinamunuan ng isang opisyal nila? Ngayon si Isko naman ang dinetine ng labin­dalawang oras.

Ano ba mga pulis sa ilalim ng tulay, hindi ba kayo aware na napakasama na ng inyong image? Mara­ming pulis ang sangkot sa murder, illegal gambling, droga, at kung anu-ano pang krimen, paano pa nga ba kaming maniniwala sa inyo, mga mamang pulis?

Uncut version ng isang indie film naghambalang ang private parts ng mga artista

Mabuti na lang pala may MTRCB (Movie and Television Review and Classi­fi­cation Board). May nagpakita sa amin ng isang uncut version ng isang indie film na gina­wa ilang taon na ang nakararaan. Aba, talaga palang sa original ay naghambalang ang private parts ng mga artista!

Siyempre nang ipalabas iyon sa mga sinehan ay hindi puwede ang ganoon. Kaya pala ang mga ganyang pelikula, pinipilahan ng mga bakla sa UP Film Center pero hindi nila pinanonood sa mga regular na sinehan.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

DERRICK MONASTERIO

FILM CENTER

ISANG

ISKO

ISKO MORENO

JOSHUA DIONISIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with