^

Pang Movies

Ernie Pecho

Staff ng tv host na nahubaran sa harap ng vip guests, nagdiwang! - MASA...RAP - Pang-masa

Sa tuwing may nangyayaring little mishaps sa isang sikat na TV host, nagdi­riwang pa ang kanyang mga staff. Sobrang higpit kasi at supladita ang broadcaster kaya’t pawang “buti nga sa ’yo” ang nasasambit ng kanyang staff kapag may konting disgrasya.

Minsan bigla na lang nahubad ang skirt ng TV personality sa harap pa naman ng kanyang VIP guests. Buti na lang expensive ang kanyang underwear at hindi siya gaanong napahiya. Pero shocked din ang lahat, lalo na ang invited panel of prominent personalities.

Ang mga tauhan ng TV host, lumabas pa sa ta­ping room. Doon sila humalak­hak ng malakas.

Aiza iiwan sina Jodi at Richard ’pag itinapat sa Eat Bulaga ang Be Careful…

Handa si Aiza Seguerra na iwan ang Be Careful with My Heart kung sakaling ililipat ang high-rating soap sa noontime slot. May balita kasing papalitan ng teledramang bida sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ang It’s Showtime na apektado ng pagpasok ng Wowowillie sa alas-dose ng tanghali.

Saan naman sila ililipat? Malamang na ibalik sa dating slot bago magtanghali.

Si Aiza naman kaya’t handang umalis sa Be Careful with My Heart, ayaw niyang kalabanin ang Eat Bulaga na nagpasikat sa kanya bilang child star.

Rocco nawalan ng trabaho, binagsakan ng sisi sa nangyari sa PP

Bakit si Rocco Nacino ang binabagsakan ng lahat ng sisi sa nangyari sa Party Pilipinas? Higit ang sagutin ng choreographer at direktor ng show dahil sinunod lang ng aktor ang gusto nilang mangyari sa show.

Narinig namin na pati sa kanyang teledrama ay suspended din si Rocco. Sa malaking network, dapat tanggapin ng mga taong gumagawa ng show ang res­ponsibilidad. Hindi naman ganun kalaki ang talent fee ng mga artista, aalisan pa ng trabaho.

Alessandra magiging abala after Alfredo Lim

Pawang mahuhusay na artista ang suporta ni Cesar Montano sa Alfredo S. Lim: The Untold Story. Si Alessandra de Rossi ang gumanap na first wife ni Mayor Lim na si Amalia.

“Five shooting days lang ako, sila twenty one shooting days,” hindi naman tonong nagreklamo ang aktres.

Masaya na siyang makasama ang actor-director na sobrang pag-alaga sa kanya. Hiniling niya sa direktor na pagandahin siya sa pelikula kaya maganda siya sa lahat ng kanyang eksena.

After Alfredo S. Lim: The Untold Story, apat na pelikula pa ang nakalinyang gawin ni Alessandra this first quarter of 2013.

Kabituin sa Alfredo S. Lim film sina Gloria Ro­mero, Gina Pareño, Raquel Pareño, Jackielou Blanco, Isabel Granada, Marc Abaya, Nonie Buencamino, Spanky Manikan, Ara Mina, Tir­so Cruz III, Richard Quan, Jeffrey Tan, at marami pang iba.

Pero pino-problema ang bayaran komedyana pinupuno ng bulaklak ang kuwarto tuwing Valentine’s, nag-iilusyong maraming manliligaw!

Tulad ng mga nakaraang Valentine’s Day, punung-puno ng flowers ang sala hanggang kuwarto ng isang komedyana. Ilusyon niya marami siyang manliligaw at admirers.

Nagpapa-picture pa siya kasama ang mga bouquet of roses at ibang expensive blooms.

Magsisimula ang sakit ng kanyang ulo kapag nagsimula ng bayaran ang mga bulaklak na siya rin ang umorder!

vuukle comment

AFTER ALFREDO S

AIZA SEGUERRA

ALESSANDRA

ALFREDO S

BE CAREFUL

EAT BULAGA

MY HEART

UNTOLD STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with