^

Pang Movies

Eddie Garcia kinontrata na ng Kapamilya

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pumirma kahapon ng kontrata sa ABS-CBN ang veteran actor na si Eddie Garcia. Magiging co-star siya ni Coco Martin sa Juan dela Cruz.

Maraming taon din na naging Kapuso actor si Papa Eddie bago niya sinubukan na lumabas sa mga programa ng TV5, bumalik sa GMA 7 at lumipat sa ABS-CBN.

Hindi na nabigla ang showbiz press sa paglipat ni Papa Eddie sa Kapamilya Network dahil sa isang presscon ng Juan dela Cruz ay hindi sinasadya na naikuwento ni Coco na magkakasama sila ng ve­teran actor sa kanyang bagong primetime show sa ABS-CBN.

Mainit ang naging pagtanggap kay Papa Eddie sa ABS-CBN dahil mismong ang ABS-CBN CEO at president na si Charo Santos-Concio ang nag-welcome sa kanya. Kasama ni Mama Charing ang ibang mga executive ng Kapamilya Network sa pagsalubong kay Papa Eddie.

Lea pinatunayan na naman ang galing, Fox 5 inere ang pagkanta ng Empty Chairs…

Ipinagmamalaki uli ng mga Pinoy si Lea Salonga dahil ipinalabas sa Fox 5 News ang pagkanta niya ng Empty Chairs and Empty Tables.

I’m sure maiinggit na naman si Anne Hathaway sa sikat na Pinay singer dahil sa golden voice nito. Hindi idine-deny ni Anne na fan siya ni Lea na ikinukumpara ang boses sa isang anghel. Hindi lamang ang mga Pilipino ang humahanga kay Lea dahil bilib na bilib din sa kanya ang ibang mga lahi.

Marian parang diyosang pinagkaguluhan

Inalis muna ni Marian Rivera ang kanyang neck brace nang dumalo siya sa party ng 150th issue ng isang men’s magazine.

Siyempre, si Marian ang pinagkaguluhan sa party dahil sa kanyang mala-diyosa na kagandahan.

May mga nagtaka dahil ibang-iba ang buhok ni Marian sa Temptation of Wife at sa party na pinuntahan niya noong Huwebes.

Sinabi ko na noon na wig lang ang suot ni Marian sa Temptation of Wife dahil hindi niya puwedeng pagupitan ang kanyang long hair. Bawal kay Marian ang magpaigsi ng buhok dahil sa Kung Fu Divas, ang pelikula na ginagawa nila ni AiAi delas Alas. May malaking participation sa Kung Fu Divas ang mahabang buhok ni Marian kaya gumagamit siya ng wig sa mga eksena niya sa Temptation of Wife.

Tuluy-tuloy din ang taping ni Marian para sa Temptation of Wife kahit nagkasakit siya. Hindi puwedeng magpahinga si Marian bilang siya ang bida ng No. 1 primetime show ng GMA 7.

Hectic pa rin ang schedule ni Marian kahit nabawasan ang kanyang show dahil bukod sa taping ng Temptation of Wife, may shooting siya para sa My Lady Boss, ang romantic comedy movie nila ni Richard Gutierrez na binago ang playdate dahil showing pa rin sa mga sinehan ang Seduction, ano­ther Richard movie.

 

vuukle comment

ANNE HATHAWAY

CHARO SANTOS-CONCIO

DAHIL

KAPAMILYA NETWORK

KUNG FU DIVAS

MARIAN

PAPA EDDIE

TEMPTATION OF WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with