^

Pang Movies

Fans ni Sharon, matindi ang emote

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maraming Sharonians ang nagtataka, bakit hindi man lang binigyan ng birthday party ng TV5 ang kanilang idolo na si Sharon Cuneta nung Jan. 6? Unlike sa ABS-CBN noon na every year ay bongga ang ibinibigay na celebration para sa kanilang Megastar. Akala raw nila rich ang TV5 dahil kung magbalita, doble o triple pa sila kung mag-offer sa mga artistang gusto nilang kunin. Hindi pala, publicity lang.

Sana bumalik na lang si Sharon sa Dos para mapanood pa siya sa malalayong lugar. ’Yung naaabot ng signal, hindi hanggang Maynila lang. Oo nga naman. Balita nila, kaya napunta si Sharon sa TV5 dahil sa magagandang pangako ni Vic del Rosario.

Natatawa pa ang Sharonians, sa Kapatid show kasi ni Mega ay sinu-sino lang naman ang mga ipina-iinterbyu — pati mga kumakain ng apoy, tumatapak sa baga, nagbabasag ng bote na hindi masusugatan. Napaka-unglamorous tuloy ni Mega panoorin.

Mabuti nga at nai-guest pa si Nora Aunor. Kahit paano ay pumalo sa ratings ang show ni Sharon dati. Pagkatapos nun, wala na muling napanood na sulit panoorin sa show niya.  At lalong wala na tayong mapapanood dahil tsugi na ito sa ere.

Mommy Divine pinupuri sa ginagawa kay Sarah

Marami ang pumupuri kay Mommy Divine. Kung hindi raw sa paghihigpit niya kay Sarah Geronimo baka nga naman may karga-karga na itong baby ngayon.

Iba si Sarah, may takot sa magulang at sa Diyos. Importante iyon.

Vice Ganda ‘di dapat ikumpara kay Dolphy, hindi nanglalait ang comedy king

Huwag nating ikumpara si Vice Ganda kay Dolphy. Please, ilang dekada ang pinagdaanan ni Tito Dolphy. Eh si Vice Ganda, two years lang yata. Iba ang karisma ni Dolphy kay Vice Ganda. Hindi nanglait ng kahit sino ang Comedy King.

At higit sa lahat, hindi nai-in love sa kapwa lalaki in real life si Tito Dolphy! Umaarte lang siya pero walang na-link sa kahit sinong macho. Sa iba na lang ikumpara si Vice Ganda.

Sen. Bong babawi sa Indio

Minsan ay may narinig kaming nagkomento. Sana raw ay sinolo na lang ni Sen. Bong Revilla, Jr. ’yung nakaraang Agimat movie, tulad noong mga ginagawa niya noon. Napansin ng nakapanood na nag-comment na hindi bagay kay Bong ’yung nagtatanga-tangahan. Barako kasi siya at may minanang “agimat” sa kanyang ama mismo at pati na sa ninong niyang si Fernando Poe, Jr.

Puwes, babawi si Bong sa bagong teleserye ng GMA na Indio. Ginastusan talaga ito ng GMA para pangsalubong sa 2013.

Dapat mamili na ng project si Bong Revilla dahil nag-iisang haligi na lang siyang natitira sa showbiz. Dapat palaging patok sa masa.

vuukle comment

BONG REVILLA

COMEDY KING

DAPAT

DOLPHY

LANG

MOMMY DIVINE

TITO DOLPHY

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with