^

Pang Movies

Kris at Anne pag-aagawan na si Robin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisiklab na ang pinakamatinding kompetisyon sa pagitan ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ng Box-Office Queen na si Anne Curtis dahil sa pinakaaabangang teleserye ng ABS-CBN na Kaila­ngan Ko’y Ikaw kapwa nila mamahalin ang iisang lalaki — ang Idolo ng Masa na si Robin Padilla. Sa ilalim ng direksiyon nina Malu Sevilla at Bb. Joyce Bernal, ang Kailangan Ko’y Ikaw ay iinog sa buhay ng tatlong taong nagmamahalan — ang matapang na pulis na si Bogs (Padilla), ang palabang ramp model na si Ruth (Anne), at ang masunuring anak at mapagbigay na kapatid na si Roxanne (Kris).

Sa sitwasyong iisa ang iniibig ng magkapatid, sino ang kailangang magparaya? Bukod kina Kris, Anne, at Robin, bahagi rin ng Kailangan Ko’y Ikaw sina Tirso Cruz III, Ian Veneracion, Smokey Manaloto, Emilio Garcia, Lito Pimentel, at Xyriel Manabat.

Bahagi rin ng serye ang teen sensation na si Daniel Padilla na gaganap bilang batang Robin. Abangan sa Enero 2013 ang engrandeng pagsisimula ng teleseryeng kailangang tutukan ng buong sambayanan, Kailangan Ko’y Ikaw, sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang abscbndotcom sa Twitter.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BOX-OFFICE QUEEN

DANIEL PADILLA

EMILIO GARCIA

IAN VENERACION

IKAW

JOYCE BERNAL

KAILANGAN KO

KRIS AQUINO

LITO PIMENTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with