^

Pang Movies

Mariel naging magulo ang utak

- Vinia Vivar - Pilipino Star Ngayon

Ayon kay Mariel Rodriguez, kung iisipin niya raw ang nakaraan bago niya makilala si Robin Pa­illa, wala pa naman daw sa plano niya that time ang mag-asawa talaga.

Remember, bago niya na-meet si Binoe ay bloo­ing na blooming ang career niya at ang dami niyang shows sa ABS-CBN. Hindi mo talaga iisiping mag-aasawa siya nang biglaan.

“Siguro, sumakto lang talaga, pumer­pek du’n sa. . .nun’g naram­da­man ko talaga na parang sobra akong na­aalagaan.

“Nun’g una, sabi ko, gentleman siya, mabait. ‘Yun lang,” she said.

Noong una raw, ang akala niya ay hindi siya mai-in-love kay Binoe.

“Hanggang sa nakita ko na sincere siya talaga,” say niya.

Una silang nagpakasal sa India na matatandaan pa ngang unang umalis si Binoe at saka siya sumunod.

“I didn’t think twice. Sabi ko, o sige, magpapaalam ako. Sabihin ko kay Tito Boy (Abunda, ang manager niya that time), may show ako noon, eh.

“Pabalik-balik ako nu’n kay Tito Boy, sabi ko, Tito Boy, hindi na (aalis), tapos, Tito Boy, oo na ulit.”

Nang sumunod daw siya sa India, alam na raw niya agad na magpapakasal sila.

“Kasi nga, napag-usapan na namin before pa ‘yung Taj Mahal. Gusto niya, magpakasal kami sa Taj Mahal. Pinakita niya sa akin ‘yung mga pictures.”

Siguro raw ay talagang destiny na makilala niya si Robin sa Wowowee dahil noong time raw na housemate si Bb Gandanghari sa PBB, dapat daw ay na-meet na niya ito.

“Sinabi kasi sa akin ni Tita Linggit (Tan of ABS-CBN) na si Robin darating, kailangan, may sumalubong, maghintay ka. So, naghintay ako hanggang 4:00 o’clock yata. Kasi nga, kakausapin niya si Rustom.

“Pero pinaghintay nga ako, then, sabi ni Tita Linggit, umuwi ka na. Siguro, hindi pa panahon (na magkakilala sila) nu’n. Pero imagine dapat, magmi-meet na kami, pero nag-meet kami sa Wowoweee na lang.”

Nang magkasama sila sa Wowowee, doon daw niya unti-unting nakilala si Robin at nakita kung gaano ito kabuting tao.

“Inaakay niya ‘yung mga mahihirap, pinaparamdam niya sa mga contestants na sila talaga ‘yung bida.”

Ngayon, ani Mariel ay masayang-masaya siya at kontento sa piling ng asawa.

Sisterakas at Agimat…nangunguna pa rin

Kasalukuyan pa ring nangunguna sa box-office list ang Sisterakas nina Vice Ganda, Kris Aquino, and Ai-ai delas. As of Dec. 26 ay nasa P71.2M na ang gross nito habang pu­ma­pangalawa naman ang Si Agimat, Si Enteng Ka­bisote at Si Ako nina Sen. Bong Revilla, Judy Ann Santos, and Vic Sotto with P47.7M.

Pangatlo naman ang One More Try starring Angel Loc­sin, Angelica Panga­ni­an, and Dingdong Dantes with P24.3M at pang-apat ang Shake Rattle & Roll XIV with P16.7M.

vuukle comment

ANGEL LOC

ANGELICA PANGA

AS OF DEC

NIYA

SHY

SIGURO

TAJ MAHAL

TITA LINGGIT

TITO BOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with