^

Pang Movies

Nora pangarap balikan ang tawi-tawi para makapagpatayo ng health center

FREE LANCER Emy - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Napalapit sa puso ni Nora Aunor ang Tawi-Tawi kung saan bukod sa ganda ng tanawin ay napamahal din sa kanya ang mga tao roon. Gusto nga niyang mag-raise ng pondo para sa pangangailangang pang­kalusugan doon ng mga tao. Gusto rin niyang makapagpatayo ng health center. Kaya babalikan niya ang lugar.

Sa Tawi-Tawi nag-shooting ng Thy Womb kung saan nanalo si Guy ng best actress sa Asia Pacific Screen Awards na idinaos sa Brisbane, Australia. Ito ang ikalawang award na natanggap ng Superstar. Nanalo rin siya ng Bisato D’Oro na galing naman sa grupo ng mga kritiko sa competition sa Venice Film Festival.

Sa kabilang banda, ayon sa multi-awarded director na si Brillante Mendoza natakot siya nung una sa pagsyu-shooting ng Thy Womb sa Tawi-Tawi lalo na pagdating sa seguridad pero napatunayan nilang peace-loving people ang mga naninirahan doon kaya naging komportable sila.

Direk Mark winarningan ang mga taga-Teen Gen na ‘wag agad ma-in love

Nagbabalik-tambalan sina Angelu de Leon at Bobby Andrews sa bagong batch ng TV sensations na Teen Gen. Nagbabalik sa nakaraan ang karakter nila sa TGIS series na sina Wacks at Peachy.

Sa Teen Gen, gagampanan ng aktres ang karakter pa ring si Peachy na ngayon ay isa nang ina ng teenager. Anak niya si Lyka at bilang single mom ay gagawin nito ang lahat para sa kapakanan ng kanyang anak.

Tampok din sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino na kapwa excited sa unang proyekto matapos manalo sa Protégé. Kasama pa rin sina Juancho Trivino, Dianne Hernandez, Abel Estanislao, Gianna Revilla, Seth Isay, Sunvee Maluche, Gab de Leon, at Arkin Magalona sa direksiyon ni Mark Reyes.

Sa kabilang banda, payo ni Direk na ang tambalan ng mga kabataang artista na posibleng mauwi sa pag-ibig ay hanggang sa screen lang at huwag sa totoong buhay dahil baka makasira ito ng trabaho nila.

 

vuukle comment

ABEL ESTANISLAO

ARKIN MAGALONA

ASIA PACIFIC SCREEN AWARDS

BISATO D

BOBBY ANDREWS

BRILLANTE MENDOZA

DIANNE HERNANDEZ

DIREK MARK

TEEN GEN

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with