^

Pang Movies

Pauleen at Vic, lantaran na!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lantaran na ang pagkakaroon ng relasyon nina Vic Sotto at Pauleen Luna. Kitang-kita ito ng publiko nang sabay silang rumampa sa red carpet premiere ng D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?! nina Jose Manalo at Wally Bayola last Tuesday sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Present si Vic sa premiere dahil co-producer siya ng comic movie at meron siyang special participation bilang intrigerong barangay chairman. In fairness naman kay Pauleen, habang iniinterbyu si Bossing ng TV shows, lumayo ito sa tabi niya at saka lang tumabi nang simulan na ang screening.

Siyempre, huling-huli nina Jose at Wally ang kiliti ng masa pagdating sa mga kuwelang eksena. Tawa sila nang tawa sa kabaliwang ipinamalas nila sa pelikula lalo na sa eksenang sabay silang naligo sa isang batya na puno ng bubbles!

Ibinuyangyang naman ni Solenn Heussaff ang alindog niya sa eksenang naka-two piece swimsuit pero bukod sa kaseksihan, lumutang din ang kagagahan at kalokahan ng Fil-French beauty, huh!

Pero sa mga guest, pinaka-classic sa amin ang eksena nina Maricel Soriano at Roderick Paulate kung saan naghaharutan na sina Wally at Pokwang nang pasukin ng una ang room ng hotel na inakala nilang kuwarto nila.

Bumilib kami kay Maria na nakipagrambulan kay Pokwang sa kama habang cool na cool na nag-uusap sina Dick at Wally. Present kami sa shooting nang mag-guest sina Dick at Maria pero hindi namin alam na ganoon pala kalakas ang komedya sa ginawa nila.

May moments din si Eddie Garcia bilang station commander ng police station na pinagdalhan kina Jose, Wally, at ina nilang si Gina Alajar. Lahat sila ay nahuli ng pulis at ex-boyfriend ni Gina si Manoy.

Ilan pa sa guests ng pelikula ay sina German Moreno, Aljur Abrenica, Victor Basa, Nina Jose, at Nyoy Volante.

Bela walang pakialam kay Maxene

Idiniin ni Bela Padilla na wala silang friction ni Maxene Magalona dahil boyfriend niya ngayon si Neil Arce na ex-dyowa ni Max. Si Neil kasi ang nagpapaligaya ngayon kay Bela na boyfriend na niya ng six months.

Ayon sa baguhang artista nang makausap na­min sa taping ng afternoon drama niyang Mag­dalena, dumadalaw sa set ang dyowa niya lalo na kapag wala silang driver at inuumaga na sa taping.

 “Minsan umaabot kami ng umaga sa taping kaya siya na ang nagda-drive sa akin. Pinapasunod na lang niya ang kotse niya,” sambit ni Bela matapos kunan ang madamdaming eksena sa taping.

Nagkaroon na rin ng chance na magkita sila ni Maxene sa GMA compound.

“Nagha-hi naman kami. Walang ka-friction-friction. Okay lang!” katuwiran ni Bela.

Valerie apat ang lalaki, walang puwedeng makapagbawal

Wild and naughty ang deskripsiyon ni Valerie Concepcion sa role niya sa melodrama na Flames of Love. Apat ang boys niyang makakaniig sa Gigi Alfonso movie kaya naman nagitla talaga siya nang i-offer sa kanya ng producer na si Baby Nebrida ang movie na mapapanood sa Dec. 12.

“Medyo, medyo daring kasi may love scenes kami ni Allen (Dizon) pero light lang naman,” sabi ni Valerie sa amin.

Hindi ba siya pinagbawalan noon ng ex boyfriend na si Dondon Hontiveros na gumawa ng ganoong eksena?

 “Hahaha! Walaaaa. Walang bawal-bawal! Walang puwedeng magbawal sa akin! Natawa ako doon sa tanong,” tili ng sexy actress.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BABY NEBRIDA

BELA PADILLA

DONDON HONTIVEROS

EDDIE GARCIA

FLAMES OF LOVE

GERMAN MORENO

GIGI ALFONSO

NIYA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with