^

Pang Movies

Bading nga! Aktor napAtili ng kalaswaa n nang may nalaglag nA kutsara’t tinidor!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang bonggang party sa isang pistahan. Hindi sinasadya, nabitiwan ng isang maid ang mga dala-dalang kutsara’t tinidor para dalhin sa mesa. Ikinagulat ito ng aktor. Nakapagsalita siya ng unprintable words

na pang-bakla kaya nawindang ang mga tagahanga niya!

Young star nagwe-wet lips kahit umiiyak

Ibang klase talaga kapag isang magaling na beteranong artista ang napapanood. Magbuhat nang mapasama si Nora Aunor sa Enchanted Garden ay nagkainteres bigla ang mga manonood na subaybayan ang teleseryeng habulan nang habulan ang mga eksena.

Totoong maraming artista ngayon ang naggagandahan at nagpuputian kapag nasa screen. Pero sad to say, acting ang hinahanap nila at hindi ang mga artistang walang kalatuy-latoy umarte. Ang isang young star nga ay nagwe-wet lips pa kapag iiyak dahil mapopokus siya ng solo sa screen.

Kahit hindi pang-award ang naturang teleserye, tinanggap ni Ate Guy dahil mahal niya ang TV5 at may kompromiso siya rito.

Rita tuloy ang friendship kay Jestoni

Ibinalita ni Rita Avila na masaya siya dahil patuloy sa pagtaas ang rating Sana ay Ikaw Na Nga sa GMA 7. Kasali sa cast ang aktres na ang bida nila ay si Andrea Torres.

Napapansin ni Rita, masikap si Andrea sa kanyang pag-arte. Pero binibigyan pa rin niya ng pointers kapag kailangan ng dating Star Magic girl.  

Sa serye, balik-tambalan naman sila ni Jestoni Alarcon na medyo comedy ang dating sa istorya. Iniiwasan niya ang aktor kahit alam niyang mahal na mahal siya nito.

Say ni Rita, magkaibigan pa rin sila ni Jestoni kahit may kanya-kanya na silang pamilya. Matagal din silang nagkasama sa Seiko Films noon.

 

Kahit naiintriga sa Pusong Bato:  Aimee Torres dumami ang imbitasyon

Parang hindi makapaniwala ang singer na si Aimee Torres na kahit bata pala ay kinakanta ang Pusong Bato. Inaamin niyang masakit ang loob niya ngayon dahil kapag kinakanta at ipinakikilala ang kanta ay hindi man lang name-mention ang name niya porke hindi siya ang composer.

Mabuti na lang, nagsumbong siya sa harap ng press kaya’t lumitaw ang katotohanan. Nabukong May 23, 2003 pa pala niya kinanta ito matapos bilhin sa composer ang rights. Totoo raw palang kapag inaapi-api ay may suwerte naming darating sa iyo. Imagine, kahit mga sikat na singer ngayon ay kinakanta ang Pusong Bato. At inuulan ng invitation ngayon si Aimee sa mga fiesta.

vuukle comment

AIMEE TORRES

ANDREA TORRES

ATE GUY

ENCHANTED GARDEN

IKAW NA NGA

JESTONI

JESTONI ALARCON

KAHIT

PUSONG BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with