^

Pang Movies

Nabilisan sa mga pangyayari: Benjamin malungkot sa hiwalayan nila ni Max!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Halatang may lungkot sa mukha ni Benjamin Alves ngayong tapos na ang taping nila ng Coffee Prince at magkakahiwalay na sila ng ka-love team at crush niyang si Max Collins.  Kahit anong pilit namin, hindi umamin ang dalawa na may magandang relasyon na sila.  Wala rin daw naman siyang time na manligaw kaya hanggang best of friends na lamang sila ni Max, ayon kay Benjamin. Si Max naman, nag-decide daw sila ni Benjamin na mag-focus na lamang muna sa kani-kanilang trabaho, lalo na at may kasunod na siya agad na drama series, ang Pahiram Ng Sandali bilang leading lady ni Dingdong Dantes.

Labis naman ang pasasalamat ni Max Collins dahil akala niya ay wala siyang trabaho ngayong magpa-Pasko, since tapos na nga silang mag-taping ng Coffee Prince. Kaya hindi siya makapaniwala nang sabihin ng manager niyang si Perry Lansigan na siya ang napiling ipalit sa role na dapat ay gagampanan ni Kylie Padilla sa Pahiram Ng Sandali. One of these days gusto niyang makausap si Kylie na naging ka-close niya nang gawin nila ang The Good Daughter dahil siya ang nakinabang sa inayawan nitong proyekto.  Pero pakiusap ni Max na panoorin muna ang pagtatapos ng Coffee Prince mamayang gabi after ng Aso Ni San Roque at alamin kung magkakabalikan pa sila ni Errol (Benj) at kung matatanggap pa rin ni Arthur (Aljur) at ng Barako Boys ng coffee shop si Andy (Kris Bernal) matapos umamin na isa siyang babae at hindi lalaki tulad nang akala nila.  Alamin din kung ano ang pasabog na sorpresa nina Andy at Arthur sa mga tagasubaybay nila.

Pancho todo ang asikaso kay Bela

Napansin namin ang extra attention na ibinibigay ni Pancho Magno sa katambal na si Bela Padilla habang kumakain sila nang dumalaw kami sa set ng Magdalena, Anghel sa Putikan, kaya biniro namin si Bela kung totoong nanliligaw sa kanya si Pancho.  For a while daw pero sinabi niyang mag-focus na lamang muna sila sa work nila.  Lalo raw ngayon na tumitindi ang mga eksena nila sa afternoon prime nila na napapanood after ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

vuukle comment

ANDY

ASO NI SAN ROQUE

BARAKO BOYS

BELA PADILLA

COFFEE PRINCE

DINGDONG DANTES

GOOD DAUGHTER

KRIS BERNAL

MAX COLLINS

PAHIRAM NG SANDALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with