^

Pang Movies

Nora dinadaan lang sa magic ang acting

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mabuti na lang at nasama sa Enchanted Garden si Nora Aunor sa TV5. Nagkaroon ng ingay kahit paano ang naturang teleserye.

Madalas kasing pagpapatayan at paghahabulan ang nagaganap sa istorya habang naghahasik ng lagim ang dating action-drama star na si BB Gandanghari na.

Pero may nagkomento, bakit daw pumapayag si Guy na mapasali sa ganitong istorya na puro kaimposiblehan ang napapanood? Hindi raw ba nakakaapekto sa pagiging isa niyang award-winning actress? Wala kasing challenge ang role niya, dinadaaan lang sa magic.

Show ni Derek tinipid sa casting

Ginastusan ang bagong TV show ni Derek Ramsay sa TV5 sa location at production cost. Kung saan-saang lugar kasi ng Luzon ginanap ang mga eksena ng tatakbuhan ng mga napiling contestant na naglalaban-laban.

Ang problema, kahit naman sa abroad pa gawin ang naturang contest, kung pawang “The Who” naman ang gaganap, paano ito mapapansin?

Sayang ang show ni Derek na ipinagmamalaki pa namang natamo niya pagkatapos lumayas sa Kapamilya.

Personal…

Birthday greetings kay Nelia Reynaldo Inoncillo ng Sabang Baliuag, Bulacan (Nov. 16) at sa anak nitong si Bong (Nov. 18). (VIR GONZALES)

vuukle comment

BULACAN

DEREK

DEREK RAMSAY

ENCHANTED GARDEN

GANDANGHARI

GINASTUSAN

KAPAMILYA

NELIA REYNALDO INONCILLO

NORA AUNOR

SABANG BALIUAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with