^

Pang Movies

Ejay biglang inilaglag ng Kapamilya?

Vir Gonzales - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasaan na si Ejay Falcon na dating bukambibig sa ABS-CBN matapos manalo sa isang edition ng Pinoy Big Brother? Naka-focus ngayon ang atensiyon ng Dos sa dayuhang aktor at ilang Pinoy bagets.

Mabuti na lang si Ejay hindi kayang akitin ng malaking presyo na lumipat na lang sa ibang network. May ugaling probinsiyano kasi ang aktor. Marunong tumanaw ng utang na loob.

Napupuri nga siya ng butihing maybahay ng mayor ng Jaen, Nueva Ecija na si Sylvia Austria. Magalang daw si Ejay, na isa sa mga naimbita nilang mag-guest sa kanilang fiesta noon.

Teka, paano naman kung matagal siyang walang project? Aariba pa ba ang loyalty niya sa nagbigay ng break?

Sunshine pasado sa aktingan

Inspirado si Sunshine Garcia sa ginampanang papel sa nakaraang Maalaala Mo Kaya bilang young Gina Pareño. Pasado kasi ang arte ng dating Sexbomb girl. Nahasa yata siya sa aktingan sa pitong taon niya sa teleserye ng Daisy Siete.

Pabor ito kay Sunshine kasi gusto ng televiewers na bagong mukha naman ang mapanood nila. Nakakasawa na raw kung paulit-ulit na young stars ng Kapamilya ang napapanood nila lalo’t walang acting na ibubuga.

Stars na humihingi ng trabaho nagpapasakit naman ng ulo

May nagtatanong na hermana mayor, bakit daw ang mga artistang walang project panay pakiusap na bigyan sila ng trabaho? Kapag binigyan naman ay pinasasakit ang ulo ng producer at direktor sa pambibitin sa taping o out-of-town shows? May diperensiya kaya sila?

Personal…

Pagbati sa kaarawan nina Marivic Salvador Faranda, Nov. 16; Arnold Esguerra Escolta Boyo, Nov. 21; at Camille Victoria, Nov. 22.

                                                                                          

 

vuukle comment

ARNOLD ESGUERRA ESCOLTA BOYO

CAMILLE VICTORIA

DAISY SIETE

EJAY

EJAY FALCON

GINA PARE

MAALAALA MO KAYA

MARIVIC SALVADOR FARANDA

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with