Visa ng SB19, matapang!
Ginu-Google namin ang lyrics ng Visa, ang song ng SB19 na naging daan para makapasok ang P-Pop group sa anim na finalists sa Grammy Best Asian Pop Music Performance.
Social commentary and satire raw ang song na patungkol sa mga nahihirapang makakuha ng visa para makalabas ng bansa. Gaya ng artists, overseas Filipino workers (OFW) at athletes.
Matapang ang lyrics ng song, sa first line pa ang, may pasabog ng salita. Paano kaya ang translation ng salitang “t*e” para sa judges sa category na ito sa Grammy. Mabuti kung gaya ni AJ Rafael, isang Fil-Am.
May pahayag si Pablo tungkol sa pahirapang makakuha ng visa. “As Filipino artists, marami tayong requirements and restrictions na kailangan pagdaanan para lang mapakita iyong talento natin, ‘yung music natin sa buong mundo. At the end of the day, iyon lang iyong gusto namin i-challenge.
“Bakit nga ba kailangan pa natin makilala sa ibang bansa bago tayo maniwala sa kung ano meron tayo [rito] sa ‘Pinas?”
Ang magkapatid na Pablo at Joshua Daniel Nase ang composer ng song at sila rin ang producer at kinanta ng SB19. Ang lakas ng tama ng song, lalo na sa mga OFW na maraming requirements ang kailangan bago makalabas ng bansa. Parang MAPA lang ang datingan ng Visa, mapanakit, pero totoo.
Samantala, may paalala si Pablo sa nagmura sa SB19 dahil kabilang sa performer sa closing ng ASEAN Summit. Ang lutong ng mura ng netizen, “P***ngina nyo SB19. What do you mean pumayag kayong gawing tau-tauhan ng gobyerno ni Marcos para malibang si Trump??”
Habang si Mikha Lim at BINI shouting “NO TO PAX SILICA, eto kayo at kasama pa pala sa 22 billion budget para dito sa ASEAN??? Grammy nominations MAGA19”
Pahayag ni Pablo, “As a citizen of the Philippines, it’s your job, or it’s your responsibility to be informed. Mahalaga na before ka magsalita, alam mo yung konteksto.
“A reminder that speaking up also comes with the responsibility of knowing what you’re talking about.”
Andres, hinahanap ng fans
Miss na ng kanyang fans si Andres Muhlach, matagal na rin itong walang project, kaya nanawagan sa Viva ang fans nito na bigyan na ng project ang favorite nila. Sa biking na lang daw nila nakikita si Andres, hindi pa personal dahil sa Instagram (IG) nito at sa IG ni Aga nila nasisilip ang mga larawan ni Andres.
Kaya lang, parang matagal pa bago muling magtambal sina Andres at Ashtine Olviga dahil may Viva One series sila ni David Licauco na Fight For My Way. Payag naman siguro ang fans kung si Andres muna ang magka-comeback?
Pero, tama ang fans, panahon na para magkaroon uli ng project si Andres at hanapan muna siya ng makakapareha habang nasa piling pa ni David si Ashtine.
Enchong at Barbie, may Pamasko
Si Enchong Dee ang sunod na makakasama o makakapareha ni Barbie Forteza at mangyayari ito sa Christmas Special na Paskong Pinoy. May pubmat o publicity material nang inilabas at in fairness, bagay ang dalawa.
Tama ba kami na sa Netflix Philippines ang streaming ng nabanggit na Christmas Special. Nakakaiyak at maganda raw ang concept ng special, bagay sa Kapaskuhan.
Siguro naman, wala muna kaming mababasa na mga comment na “BarDa lang kami” na ang ibig sabihin ay ang love team lang nina Barbie at David Licauco lang ang kanilang susuportahan. Utang na loob, saka na magpaka-loyal, suportahan muna ng fans ang project nina Barbie at David kahit hindi sila magkasama ganoon dapat ang gawin ng fans.
Maraming kasama sa cast sina Barbie at Enchong, hintayin natin ang announcement ng Netflix. Nakakatuwa lang na libre nang makatrabaho ni Barbie ang Kapamilya stars mula nang mawala ang network war.
- Latest



















