^

Punto Mo

Separation pay, kailan ba dapat matanggap?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Isa po ako sa mga natanggal sa trabaho dahil sa retrenchment tatlong buwan na ang nakalilipas. Hanggang ngayon po ay hindi ko pa rin natatanggap nang buo ang aking separation pay. Ang paliwanag ng dati kong kompanya, hindi pa raw sila nakababawi mula sa pagkalugi. Hanggang kailan po ba dapat maghintay ang isang empleyado bago niya makuha ang kanyang separation pay? —Clarisse

Dear Clarisse,

Hindi dapat nakabase sa kagustuhan o kalagayang pinansiyal ng employer kung kailan dapat ibigay ang separation pay ng isang empleyado.

Ayon sa Labor Advisory No. 06, Series of 2020, malinaw na ang final pay o ‘yung mga halagang dapat matanggap ng empleyado pagkatapos ng kanyang pag-alis sa serbisyo ay dapat maibigay sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng kanyang pag-alis sa trabaho. Kabilang sa final pay ang separation pay, na dapat matanggap ng empleyado kung ang pagkakatanggal sa kanya ay bunga ng retrenchment.

Dahil tatlong buwan na mula nang ikaw ay matanggal, dapat ay natanggap mo na nang buo ang iyong separation pay. Kahit pa totoo na hindi pa nakababawi ang dati mong employer mula sa pagkalugi, wala itong kinalaman sa sitwasyon at hindi ito dapat gamiting dahilan upang ipagpaliban ang kanilang pagtupad sa obligasyong bayaran ang iyong separation pay.

Puwede kang magsampa ng reklamo at humingi ng tulong mula sa DOLE (Department of Labor and Employment) o sa NLRC (National Labor Relations Commission) nang makuha mo na ang buong halaga ng iyong separation pay mula sa dati mong employer.

CLARISSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with