^

Punto Mo

Napahiya ang mapoporma sa may plataporma

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

HINDI ikinagulat ng mamamayan ang naging resulta ng eleksiyon dahil nabigyan ng puwang ang bawat isa nang walang pagsikil o pagpapairal ng puwersahan at manipulasyon ng gobyerno.

Ang inilatag na mga plataporma nina Kiko, Bam at Ping laban sa korapsyon, murang bilihin at libreng edukasyon at proyektong Malasakit Center ni Bong Go ay pinaniniwalaang nagbunga ng simpatiya sa mga botante. Nasira rito ang mga negatibong espekulasyon at komentaryong paninira nang maraming vloggers. Kasi naman eh!

Nakalulungkot lamang na marami ang pamilyang naulila dahil sa mga desperadong supporters at kandidato na naging pasimuno ng kaguluhan at kamatayan ng ilan nating mga kababayan dahil sa pulitikang may kasakiman.

Nabura ng bahagya ang paniniwala na bentahe sa laban ang isang kandidato lalo na kung kapar­tido ito ng administrasyon sa pagkakapanalo nina Senators Bong Go, Bato dela Rosa, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Rodante Marcoleta at ang nagtakwil sa administration political party na si Imee Marcos. Qualified naman talaga sila, ‘di ba?

Pangkaraniwan din sa mga inindorso ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) ay nananalo talaga kapag may bendisyon nila patunay na may bilang talaga. May totoong survey daw kasi sila.

Ano bang nangyari kay Pastor Apollo Quiboloy na nagsabing may pitong milyong mga miyembro ang simbahan niya. Meron ba o maisug lang talaga?

Naging usapin din ang pagbibigay basbas ni dating VP Leni Robredo at ngayo’y mayor ng Naga City sa ilang nanalong senador. May kredebilidad at kamandag pa rin si Leni talaga!

Ang kalagayan ni dating Presidente Digong Duterte ay matamang pinakikiramdaman ngayon ng mga kapanalig at maging mga kalaban nito dahil kapag may nangyaring hindi maganda kay Digong bago dumating ang 2028 election ay malamang na humakot ito ng simpatiya. Doon lamang sasariwain ng mga tao ang mabuting nagawa ni Digong. Kapag hindi na ito nakakarinig. Nangyari na ‘yan kina Cory at Noynoy ‘di ba?

Posible rin diumano na sa pagiging topnotcher ng Akbayan party-list ay maaring pumorma si Sen. Risa Hontiveros sa hanay ng 2028 presidentiables dahil kaanino niya ang mga ito. Hmmm. Esep-esep muna at baka madapa. He-he!

PLATAPORMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with