^

Punto Mo

May karapatan ba sa overtime pay ang consultant?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Isa po akong consultant, may karapatan ba ako sa overtime pay? Minsan kasi ay sobra sa walong oras ang nagiging trabaho ko. — Randy

 

Dear Randy,

Kailangan mong basahin ang iyong consultancy agreement para masagot ang iyong katanungan. Bilang consultant kasi ay hindi ka kabilang sa mga tinatawag na regular employees ng kompanya kaya tanging ang pinirmahan mong consultancy agreement ang magtatakda sa kung ano ang maari mong matanggap na kompensasyon para sa iyong serbisyo sa kompanya, kabilang na ang overtime pay.

Ngayon, ito lamang ay kung totoong consultant ka talaga. Kasi minsan, “consultancy agreement” lang ang nakasaad sa titulo ng kontrata, pero kung titingnan ang laman nito—lalo na ang mga tungkulin ng tinatawag na “consultant” at kung paano siya kontrolado ng kumpanya, kabilang na ang pagtatakda ng kanyang oras ng trabaho—makikita mong wala rin naman siyang pinagkaiba sa isang regular na empleyado.

Kapag ang ganitong uri ng “consultant” ay nakapagtrabaho na ng isang taon, maaaring ituring na siyang regular employee ayon sa batas, kahit ano pa ang nakasulat sa kanyang kontrata.

Maaring ganyan ang iyong sitwasyon, lalo na’t nagtatanong ka ukol sa pagta-trabaho ng higit sa walong oras. Kaya kung walang pinagkaiba sa mga regular na empleyado ang iyong sitwayson, may karapatan ka sa mga benepisyong itinakda ng batas, kasama na ang karapatang makatanggap ng overtime pay.

OVERTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with