Ang psychology sa pamilya
• Mas madalas na close ang babaing anak sa kanilang ama samantalang ang mga lalaki ay sa kanilang ina.
• Laging panganay ang nagdadala ng bigat ng responsibilidad sa pamilya. Lalo na kapag mahinang dumiskarte ang mahihirap at walang pinag-aralang mga magulang, sa panganay din anak sila umaasa.
• Ang anak na lalaking marespeto sa kanyang ina ay siguradong gentleman sa mga kababaihan.
• Ang magkapatid na palaging nag-aaway noong bata pa ay nagiging close sa isa’t isa pagtanda nila.
• Ngunit may nangyayaring kabaliktaran, malapit sa isa’t isa noong bata pa, ngunit nang magkaroon ng kanya-kanyang partner/asawa, mas nagiging priority ang pamilya. Nagiging magkakaaway dahil kinakampihan ang kanya-kanyang asawa kapag may pinagtalunan. O, kaya nagtatalo-talo dahil sa isyu ng inheritance.
• Hindi namamalayan ng mga anak na namamana nila ang habits at kilos ng kanilang magulang.
• Ang batang lumaki sa tahanan na laging may nagtatalo ay lumalaking “peacemakers” pagtanda nila.
• Ang maraming magkakapatid na dumanas ng kahirapan sa buhay ay isa o dalawa lang ang nagiging anak kapag nagkapamilya na sila.
• Ang batang pinalaki sa pagmamahal ay walang kahirap-hirap na magpadama at magpakita ng pagmamahal sa kapwa.
- Latest