^

Punto Mo

Nag-resign, may matatanggap bang separation pay?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Kapag nag-resign po ba sa company at sinunod naman po ang rendering period, wala pa rin bang matatanggap na separation pay? Limang taon na po akong regular employee. —Helen

Dear Helen,

May karapatang makatanggap ang empleyado ng separation pay kung siya ay illegally dismissed o tinanggal ng hindi naaayon sa batas.

Dapat ding bayaran ng separation pay ang empleyado sa mga sitwasyong tinanggal siya dahil sa authorized cause o awtorisadong dahilan ng pagtatanggal sa empleyado sa ilalim ng Labor Code katulad ng pagkalugi sa negosyo.

Bukod sa dalawang sitwasyong na nabanggit, ang employment contract na lang ang maaring pagbasehan kung may karapatan bang matatanggap ang empleyado ng benepisyong katulad ng separation pay na nakabase sa itinagal sa serbisyo.

Kaya kung ang pag-alis mo sa trabaho ay sa pamamagitan ng boluntaryong pagre-resign at wala namang nakasaad sa employment contract mo ukol sa maari mong matanggap matapos kang mag-resign ay wala kang matatanggap na separation pay.

Ang maaring matanggap ng isang nag-resign na empleyado ay ang final pay, na iba naman sa separation pay.

Ang final pay ay yung mga halagang kinita mo na noong ikaw ay empleyado pa katulad ng sahod at pro-rated na 13th month pay na hindi pa naibigay sa iyo bago ka umalis sa trabaho.

RESIGN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with