^

Punto Mo

‘Plantsa’ (Huling bahagi)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

IPINAKITA ni Lola Miguela ang katapangan nang gamitin niya ang mainit na plantsa para idikit sa mukha ng sundalong Hapones na kumaladkad sa kanyang matandang ama mula sa kuwarto. Nag-sona ang mga Hapones at pinalabas lahat ng lalaki. Nang walang makitang lalaki, ang matandang ama ni Lola Miguela ang pinag-initang isama. Buo ang loob ni Lola na ginamit ang plantsa na puno ng baga, Namamalantsa si Lola nang mag-sona ang mga sundalong Hapones sa baryo.

Dahil sa pagdikit ng plantsa sa mukha ng sundalo, nagtatarang ito sa sobrang sakit at nagtatakbo palabas at nahulog sa hagdan.

Sinamantala umano nina Lola Miguela ang pagkakataon at tumakas sa pamamagitan ng pagdaan sa batalan. Inakay ni Lola ang ama at ina para makababa sa batalan.

Nang mga sandali namang iyon ay nakaabang pala ang mga gerilya at nakipaglaban sila sa mga Hapones. Kaya naging magaan para kina Lola Miguela na makalayo hanggang makara­ting sa kabilang baryo kung saan mayroon silang mga kamag-anak. Nakaligtas sila sa kamatayan sa kamay ng mga sundalong Hapones.

Hanggang sa humupa ang giyera. Dumating ang mga Amerikano at napalaya ang bansa. Bumalik na sina Lola Miguela sa kanilang bahay at natagpuan niya ang ginamit na plantsa sa malupit na Hapones.

Napakalaki ng pasasalamat niya sa plantsa na nagligtas sa kanilang buhay.

Hanggang ngayon, buong-buo pa ang plantsa at nakadispley sa aming estante. Hindi malilimutan ang karanasan ni Lola Miguela na nagpamalas sa kanyang angking katapangan. Isang babaing Pilipina na buo ang loob sa pagharap sa panganib.

vuukle comment

JAPANESE

MILITARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with