Maid of Honor (107)
HINDI pa rin makontak ni Honor si Rocky. Nag-aalala na siya. Bakit biglang hindi nakontak si Rocky.
Pati si Vivian ay tensionado na.
“Baka may nangyari kay Rocky?’’ sabi ni Vivian.
“Yan din ang inaalala ko. Baka may nangyari habang nasa loob siya ng room.’’
“Baka inagaw sa kanya ang bag na may pera?’’ sabi ni Vivian.
“Yan din po ang iniisip ko Ate,’’ sabi ni Inah.
“Huwag naman sana,’’ sabi ni Vivian.
“Pero nagdududa rin po ako na baka tinakas ang pera.’’
“Hindi gagawin yun ni Rocky,’’ sabi ni Honor.
“Sana nga po.’’
“Huwag muna tayong mag-isip ng masama.”
(Itutuloy)
- Latest