Oftana, Newsome aasahan sa FIBA Olympic Qualifying Tournament
MANILA, Philippines — Malaki ang magiging papel nina Calvin Oftana at Chris Newsome sa rotation ng Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Hulyo.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Tim Cone, may ibibigay itong tungkulin kina Oftana at Newsome na magiging malaking tulong para sa tropa.
Kabisado na ni Cone ang laro nina Oftana at Newsome.
Pareho na itong nasubukan noong 19th Asian Games sa Hangzhou, China kung saan nasungkit ng Gilas ang gintong medalya.
Matagumpay na nagawa ni Newsome ang misyon nito na pigilan si Jordan naturalized player Rondae Hollis-Jefferson para igupo ng Pinoy squad ang Jordanians sa finals.
“Chris is really our backcourt stopper. We just really felt we needed a backcourt stopper. He showed that in the Asian Games when he went up against Rondae,” ani Cone,
Subok na si Newsome dahil naging miyembro ito ng All-Defensive team sa PBA noong 2023.
“Just that commitment. He’s gonna be a committed defender. He’s not gonna worry about scoring and passing but just be locked in with what we need,” ani Cone.
Maganda rin ang inilalaro ni Oftana partikular na sa PBA Philippine Cup.
“Calvin is a young guy who’s getting better and better. He’s one of the best players in the PBA,” ani Cone.
Nakatakdang magsimula ang training camp ng Gilas Pilipinas sa Hunyo 21 sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
- Latest