^

PSN Palaro

Nuggets pinatalsik ng Timberwolves sa game 7

Pilipino Star Ngayon
Nuggets pinatalsik ng Timberwolves sa game 7
Tinirahan ni Timberwolves guard Anthony Edwards si Kentavious Caldwell-Pope ng Nuggets sa Game 7.

DENVER — Kumolekta si Anthony Edwards ng 16 points, 8 boards at 7 assists sa 98-90 pagsibak ng Minnesota Timberwolves sa dating kampeong Nuggets sa Game Seven ng kanilang Western Confe­rence semifinals series.

Isinara ng Minnesota ang kanilang serye ng Denver sa 4-3 para harapin ang Dallas Mavericks sa Confe­rence Finals.

“It was tough, man, because I couldn’t find myself, my rhythm tonight,” sabi ni Edwards sa kanyang masamang 6-of-24 field goal shooting. “So I just had to trust my teammates.”

Umiskor sina Karl-Anthony Towns at Jaden McDaniels ng tig-23 points para sa Timberwolves na bumangon mula sa isang 20-point third quarter deficit.

Kumamada si Jamal Murray ng 35 points sa panig ng Nuggets habang humakot si Nikola Jokic ng 34 markers, 19 rebounds at 7 assists.

Sa likod ng 24 points ni Murray sa first half ay kinuha ng Denver ang 53-38 halftime lead patungo sa pagtatala ng 58-38 kalamangan sa third period.

Unti-unti naman itong naputol ng Minnesota sa pamumuno nina Edwards, Towns at McDaniels hanggang agawin ang 67-66 bentahe papasok sa fourth quarter.

Ang dalawang free throws at dunk ni NBA Sixth Man of the Year Naz Reid kasunod ang triple ni Edwards ang naglayo sa Timberwolves sa 92-82 sa huling tatlong minuto ng laro.

Sa New York, humataw si Tyrese Haliburton ng 26 points para igiya ang Indiana Pacers sa 130-109 pagsibak sa Knicks sa Game Seven ng kanilang Eastern Conference semifinals series.

Tinapos ng Indiana ang kanilang semis showdown ng New York sa 4-3 papasok sa kauna-unahan nilang conference finals matapos ang 10 taon.

Sasagupain nila sa Eastern Conference Finals ang Boston Celtics na nagpatalsik sa Cleveland Cavaliers sa semis.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Vape!
1 day ago
1 day ago
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with