^

Punto Mo

Pagsisante, tama bang parusa sa mga ­pasaway na empleyado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nahuli ko pong higit isang oras mag-lunch break ang ilan sa mga empleyado ko. Maari ko na ba silang sisantehin? — Leah

Dear Leah,         

Depende kung unang beses pa lamang nila itong ginawa. Kung ilang beses mo na silang nahuli at napagsabihan at sa kabila nito ay ipinagpatuloy pa rin nila ang nasabing violation, maari nang ipagpalagay na serious misconduct ang kanilang patuloy na pagsuway sa patakaran ng kanilang employer. Sa ganyang pagkakataon maaring sabihin na angkop na parusa ang pagtanggal sa kanila sa trabaho.

Kung ang insidente naman ay isang beses lang, maaring hindi angkop ang parusang pagsisisante, base sa BookMedia Press Inc. and Brizuela v. Sinajon and Abenir (G.R. No. 213009 July 17, 2019). Ang pagsisisante kasi ang pinakamatinding parusa na maaring ipataw ng employer sa kanyang empleyado kaya dapat ay nakalaan lamang ito sa mga pagkakataon kung saan nagpakita ang empleyado ng seryosong pagsuway sa mga utos at patakaran ng kanyang employer at malalang kapabayaan sa kanyang mga tungkulin.

Katulad ng parusang kamatayan para sa mga kasong kriminal, hindi rin  dapat basta-basta ipinapataw ang pagsisisante sa mga mabababaw na paglabag sa mga patakaran sa trabaho lalo na kung hindi naman ito sinasadya at minsan lamang, dagdag pa ng Korte Suprema sa nabanggit na kaso.

Kaya kung hindi naman regular na gawain ng mga empleyado mo ang ginawa nilang pagla-lunch break ng higit isang oras, sapat na ang sila ay pagsabihan at paalalahanan ukol sa mga patakaran ng kompanya. Mainam din kung babalaan mo sila na ang susunod nilang pagsuway ay magdudulot na ng mas matinding parusa.

vuukle comment

EMPLOYEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with