^

Punto Mo

BADAC, palalakasin ni DILG Sec. Abalos!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Pinahihinto ni Malabon Mayor Jeanie Sandoval ang lahat ng sugal-lupa sa kanyang siyudad. Kaya lang puro hangin lang itong ibinato na kautusan ni Sandoval dahil hindi naman siya sinunod nina Bokbok, Noel, Kamote, Ponga at Boy Dasma. Tuloy pa naman ang pangungubra ng taya ng kubrador ng lotteng nina Bokbok at Noel, bookies ng karera ni Kamote at sakla nina Ponga at Boy Dasma, anang mga kosa ko. ‘Ika nga gerilya na ang operations ng sugal-lupa sa kuwadra ni Sandoval na ang ibig sabihin ay wala silang lingguhang intelihensiya. Dipugaaaaa!

Kapag hindi nasawata ang gerilya operations ng sugal-lupa sa Malabon, hindi lang si Sandoval, ang pagdududahan na kakutsaba rito kundi maging si Col. Albert Barot, ang hepe ng pulisya ng siyudad. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Si Northern Police District (NPD) director Brig. Gen. Ulysses Cruz kaya mapaglalangan din ng grupo?

• • • • • •

Palalakasin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. ang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC) sa buong Pinas dahil malaki ang magiging role ng mga ito sa kampanya laban sa ilegal na droga. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga governors at mayors sa Cagayan de Oro City noong Miyerkules, sinabi ni Abalos na panahon na para i-address ang problema ng droga sa bansa sa kalye. Itong mga miyembro ng BADAC mga kosa ay kalimitan mga barangay officials kaya tiyak alam nila kung sinu-sino ang sangkot sa droga sa kanilang lugar. Mismooooo!

Tiyak alam ni Abalos ang kahalagahan ng BADAC sa war vs droga dahil ilang termer din siyang mayor ng Mandaluyong City.  “Humihingi po ako ng tulong  about illegal drugs. We will intensify the war on drugs, and we will start at the grassroots. So please, I am requesting you to harness the capability and strengthen your BADACs,” ani Abalos. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooooo!

Idiniin ni Abalos na kritikal ang role ng BADAC sa approach ng gobyerno ni President Bongbong Marcos Jr., na supilin ang pagkalat ng shabu at iba pang droga sa kalye. “Nanawagan tayo sa mga gobernador at mayors na siguruhin na ang ating mga BADAC ay maayos na gumagana at nakakatulong sa pagprotekta sa mga komunidad laban sa iligal na droga at mga tagapagpalaganap nito,» ayon pa kay Abalos.

Ang BADAC mga kosa ay programa ng gobyerno kung saan ang mga barangay officials ay inorganisa bilang first line of defense hindi lang laban sa droga kundi maging sa kriminalidad, at illegal gambling. Ang papel ng BADAC ay kilalanin ang drug affected areas ng kanilang lugar, paggawa ng plan of action, pag-armas sa mga tanod at pagpatayo ng auxillary teams. Ginarantiyahan ni Abalos na palagi nilang kukunsultahin ang mga pulitiko, kasama ang mga stakeholders, sa lahat nang problema na makaharap nila sa kalye para patawan ng kaukulang aksiyon. Eh di wow! Hak hak hak! Tiniyak ni Abalos na ang lahat nang sumukong adik ay ire-rehab o gagamutin. Abangan!

vuukle comment

BADAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with