^

Punto Mo

Ang babaing may magandang legs (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

(Base ito sa kuwento ng isang kakilala.)

LUMALA na ang Alzheimer’s disease ni Tatay. Tuwing darating si Nanay mula sa pag-aasikaso niya ng aming grocery ay sinisita niya ito.

“Sino ka? Bakit tuluy-tuloy ka sa pagpasok sa bahay ko? Hindi ka man lang kumakatok!”

“Ako si Lily, misis mo.”

Napatigil si Tatay. Tumingin sa malayo. Tapos inilipat ang tingin sa babaeng kaharap niya.

“Misis ko? Paano nangyari ‘yun? Binata pa ako. May dalaga akong pakakasalan. Siya ‘yung babaing totoong minamahal ko.”

Ako’y nasa salas noon at nagwawalis. Natigilan si Nanay. Halatang hinihintay niya ang susunod na sasabihin ni Tatay. Pero huminto na ito sa pagsasalita. Malungkot na nagtanong si Nanay.

“May babae kang minahal bukod sa akin?”

Hindi agad sumagot si Tatay. Tinitigan niya ang babaeng nagtatanong sa kanya.

“Iisang babae lang ang minamahal ko at gustong pakasalan. Siya si…si…”

“Sino?”

Pabulong ang pagkakasabi sa kanyang sarili. “Lintik na pangalan…hindi ko maalaala!”

Tapos nilakasan ang boses. Nagkuwento siya sa babaing nakalimutang misis niya.

“Siya ang babaeng naging kapitbahay ko. Magaling siyang magpinta. Siya ‘yung babaeng laging naka-shorts kaya lagi kong nasisilip ang maganda niyang legs.”

Umaliwalas ang mukha ni Nanay. Alam na niya kung sino ang babaing tunay na minamahal ni Tatay at nais pakasalan.

“Inay, sino po ang babaeng iyon?”, tanong ko.

“Ako!” sabay yakap kay Tatay.

Tinitigan ko ang legs ni Nanay. Sexy. Mahaba ito, slim, makinis at maputi. Parang legs ng pang-20 years old. Alanganing  legs ng 58 years old.

Habang yakap ni Nanay ang aking Tatay, nasambit nito, “Ako pa rin ang laman ng kanyang puso kahit ulyanin na.”

 

LEGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with