Laguna PD Col. Petalio, sobrang buwenas talaga!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - March 13, 2020 - 12:00am

MATATAWAG na sobrang buwenas talaga si Laguna police director Col. Serafin Petalio, na graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA) CLass ‘97. Kasi nga mga kosa, usap-usapan sa Camp Crame na kung talagang minalas si Petalio, aba kasama sana siya sa loob ng helicopter ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa na bumagsak sa San Pedro, Laguna noong nakaraaang Linggo. Ganito kasi ‘yan mga kosa, nang matapos inspeksiyunin ni Gamboa ang compound sa San Pedro kung saan nakaimbak ang mga carnapped vehicles, pabalik na sa Camp Crame ang tropa at aba nagkausap na kung sinu-sino ang sasakay sa helicopter. May isang bakanteng puwesto kaya naiatang na ito kay Petalio. Kaya lang biglang nagtanong si PNP spokes-man Brig. Gen. Bernie Banac kung may bakante pa kaya nagparaya na lang si Petalio sa senior officer niya. Ang siste, bumagsak ang helicopter at nagtamo ng mga sugat sina Gamboa, Banac at iba pa. Ang masama lang, hanggang sa ngayon unconscious pa sina Maj. Gen. Joevic Ramos, ng Directorate for Comptrollership (DC) at Maj. Gen. Mariel Magaway, ng Directorate for Intelligence (DI). Hak hak hak! Kung nakasakay si Petalio sa helicopter, hindi ko masabi kung ano ang kinahinatnan niya, ‘di ba mga kosa?

Lalong sobrang buwenas talaga si Petalio sa pangalawang buhay niya dahil hitik sa sugal lupa at bookies ng Small Town Lottery (STL) itong Laguna. Matatandaan na halos isang linggo pa lang sa puwesto si Petalio kaya buwenas siya dahil aabot pala sa P700,000 weekly ang laman ng Laguna sa mga palarong STL bookies, baclay, video karera, fruit games at perya. Dahil hindi naman kasama isi Petalio sa aksidente, maliwanag pa sa sikat ng araw puno ang bulsa niya ng grasya, di ba mga kosa? Kaya lang may kautusan si Gamboa na paghuhulihin ang STL bookies na jueteng din ang diskarte, VK at fruit games kaya baka mabawasan ng konti ang weekly tara ni Petalio. Araguuyyy! Hak hak hak! Supilin na kaagad ni Petalio ang mga STL bookies na ang financier ay mismong ang may prangkisa ng STL sa PCSO na si Don Ramon Preza at baka masibak siya kapag nadaanan ng IMEG ni Brig. Gen. Ronald Lee. Tumpak!

Si Petalio ay galing sa intelligence division o R2 ng Calabarzon kaya sa tingin ng mga kosa ko, alam niya ang kalakaran kung sugal lupa ang pag-uusapan. Pinalitan siya ni Col. Melvin Montante, na isa sa mga pinatawag sa Camp Crame dahil sa kaso noon pang panahon ni retired Gen. Raul Petrasanta. Imbes na maging floating eh na-promote pa si Montante, na dating RSOG ng Calabarzon police. Anyare, Gen. Gamboa Sir? Sinabi ng mga kosa ko sa Calabarzon na si Montante na ang kinakausap tungkol sa pasugalan. Araguuyyy! Kung buwenas sina Petalio at Montante, lalo na ang amo nila na si Calabarzon police director Brig. Gen. Vicente Danao dahil walang hinto ang tulo ng gripo niya sa illegal gambling, di ba mga kosa? Abangan!

PETALIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with