Mga walang magawa na pasaway
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - January 13, 2020 - 12:00am

Dapat na matutukan at tuluyang paghuhulihin ang mga pasaway na namemerwisyo sa mga tren ng Philippine National Railways (PNR).

Umeeksena na naman ang mga ito na mistulang walang magawa at ang pinagdidiskitahan eh yung mga tren.

Alam ba ninyong noon lamang nakaraang buwan mula Disyembre 2-21 nakapagtala ng 14 na insidente ng ‘stone throwing’ sa mga tren ng PNR?

Sa pagpasok ng Enero, ayun meron na namang nambato sa tren.

Nauna nang nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa publiko na tumulong para mapigilan ang ganitong gawi nang pambabato.

Hinikayat nila ang publiko  na ireport ang mga taong sangkot sa ganitong gawain na nememerwisyo.

Kung gaano naman ang pagsisikap ng   gobyerno na mabigyan ng maayos na mass transport ang mga Pinoy, eh mga Pinoy din ang nagwawasak dito sa hindi naman malinaw na dahilan o kaya ay ‘trip-trip’ lang.

Iniulat pa ng PNR na nasa 3 hanggang apat na insidente ng ‘pananabotahe’ sa mga tren ang naitatala kada linggo.

Kabilang na rito ang ‘stone throwing ‘ o ‘di kaya ay pagtirador sa mga tren, o ang paglalagay ng springs sa loob ng tracks.

Kailangan na ritong kumilos ang mga awtoridad para masawat ang ganitong insidente, ‘wag nang intayin na mayroon pang mga pasahero o sibilyan na mapahamak at masaktan.

PASAWAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with