Mga buto ng giant penguin, natagpuan sa New Zealand
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - August 23, 2019 - 12:00am

TINUKOY ng scientists sa New Zealand ang isang bagong uri ng giant penguin na may taas na 1.6 metro o 5 feet 3 inches matapos nilang analisahin ang mga buto na natagpuan ng isang amateur paleontologist doon.

Ayon sa Canterbury Museum sa Christchurch, natagpuan ang mga buto ng “monster penguin” sa South Island.

Pinag-aralan ito ng isang team na binubuo ng curators mula sa museum at napag-alaman nila na buto pala ito ng isang bagong tuklas na uri ng penguin na nabuhay 56 million hanggang 66 million taon na ang nakararaan.

Ang sinaunang penguin, na binigyan ng scientific name na Crossvallia waiparensis ay tinatayang may bigat na 70 hanggang 80 kilograms.

Higit isang talampakan ang katangkaran nito kumpara sa emperor penguin ng Antarctica.

GIANT PENGUIN NEW ZEALAND
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with