Teenager sa kansas, sabay na tinapos ang high school at kurso sa Harvard
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

ISANG 16-anyos mula Kansas ang sabay na makukuha ang kanyang high school at college diploma matapos pagsabayin ang high school at kolehiyo.

Dadaluhan ni Braxton Moral, Ulysses High School senior ang parehong commencement ceremonies sa dara-ting na Mayo, dahilan upang siya ang tanging estudyante na makakapagtapos ng  high school at bachelor’s degree mula Harvard nang sabay.

Nasa elementarya pa lang ay napansin na ng mga magulang ni Braxton ang kakaiba niyang talino kaya naman minabuti nilang ipasok ito sa isang espesyal na programa para sa mga gifted children matapos silang payuhan ng mga guro ng bata.

Sa kabila nito, sinisigurado pa rin ng mga magulang ni Braxton na hindi siya nabibigla sa rami ng kanyang inaaral dahil ang kasiyahan pa rin daw ng kanilang anak ang pinakamahalaga sa lahat.

Nakatakdang magtapos si Braxton   ng kursong Bachelor of Liberal Arts program. Balak naman daw niyang kumuha ng abogasya sa Harvard Law at pumasok sa pulitika balang araw.

HARVARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with