^

Punto Mo

‘Ipong pera sa banko, naglaho!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HABANG nabubuhay ang isang tao sa mundong ibabaw, iba’t ibang aspeto ang kanyang naeengkuwentro araw-araw. Mula sa pisikal na kalusugan, personal na pag-unlad, pakiki-pagkapwa-tao, espiritwal na relasyon sa Maykapal hanggang sa trabaho at pinansiyal.

Alam nating lahat na isa ang pinansiyal na aspeto sa pinaka-importante at pinakamahirap dahil ‘di ito basta-bastang ginagawa o pinagdadaanan. Kailangan ng matinding pagpaplano ng isang tao lalo na’t kung mayroon siyang pangmatagalang layunin sa buhay.

Sa paglipas ng panahon, sumasabay na rin sa teknolohiya ang pag-iipon ng tao. Kung dating sa alkansya lamang, ngayon ay puwede na sa banko.

Once na maglagay ka ng pera, makikita mo na ang bawat transaksiyon na ginawa at ginagawa mo online, real time. Kaya naman nakakasiguro kang safe at monitored ang pera mo sa loob ng bank account mo.

Subalit ano kayang gagawin mo o mararamdaman mo kung ang ipon mong pera sa banko, isang araw ay biglang naglaho? Marami nang nabiktima nito at ilan sa kanila, luhaang nanahimik.

Sa kaso ng isang parlorista sa Caloocan na lumapit sa Kilos Pronto, ang kanyang dalawang taong ipon ay biglang nawala ng parang bula!

Marso 2015 nag-open ng passbook at ATM card ang ginang subalit ibinalik niya ang card noong 2016 para makaiwas sa madalas na pag-withdraw sa ipon niya.

Subalit nitong Hunyo 23 ng kasalukuyang taon, nakita niya na may “unauthorized withdrawal” na nangyari sa account niya.

Agad naman siyang nakipag-ugnayan sa banko at nalaman na nasimot ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P60,000 sa kadahilanang pinambayad ito ng credit card.

Eto ang problema, walang credit card ang ginang at ni hindi siya nag-apply nito. Nakakaloko ano? Paano naman nangyari ‘yun?

Matapos ang mahigit isang buwan na pakikipag-ugnayan sa Banco De Oro Novaliches Branch, lumapit na sa Kilos Pronto ang ginang para sa agarang aksyon.

Agad namang umaksiyon ang banko at matapos ang tatlong araw ay agad ding naibalik ang pera ng ginang, salamat sa malugod na pakikipag-ugnayan ng Banco De Oro.

Sa kasalukuyang panahon, kahit saang institusyon ay hindi maiiwasan ang mga mispostings, system error at iba’t iba pang technology glitch. Kapag nasamahan pa ng modus o scam, ibang usapan na ‘yan, BITAG na ang katapat niyan.

Ang mahalaga ay hindi na bulag ang mga banko at natuto na sila sa mga problemang naranasan nila at alam na kung paano masolusyunan ang bawat problema.

Sa panig naman ng Bangko Sentral, handa silang mamagitan ng mga problemang tulad nito upang masiguro na naipapatupad ng bawat financial institution ang tinatawag na consumer protection mission.

Bawat problema ay may solusyon, bawat pagkakamali ay may pagkakataong itama at bawat katiwalian ay may katapat na BITAG.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with