^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang tigil na pagpaslang sa mga mamamahayag

ABH - Pang-masa

NOONG nakaraang Abril 19, 2016, binaril at napatay ang broadcaster na si Elvis Ordaniza, 49, ng Pitogo, Zamboanga del Sur.  Si Ordaniza ay volunteer reporter ng radio station dxWO Power99 FM. Siya  ang unang mamamahayag na pinaslang ngayong 2016.

Noong nakaraang Biyernes, binaril at napatay ang mamamahayag na si Alex Balcoba, kolumnista at reporter ng Peoples Brigada. Nakatayo umano si Balcoba sa kanyang watch repair shop sa Quezon Blvd., Quiapo nang lapitan ng dalawang lalaki at pinagbabaril. Tinamaan sa ulo si Balcoba. Ayon sa mga nakasaksi, walang anumang naglakad ang gunmen patungo sa may simbahan ng Quiapo sa di-kalayuan at humalo sa karamihan ng tao. Ang pinangyarihan ng krimen ay malapit lamang sa police station sa gilid ng Quiapo. Blanko ang pulisya sa krimen.

Si Balcoba ang ikalawang mamamahayag na pinatay ngayong 2016 at ika-39 mula nang maupo si President Noynoy Aquino noong 2010.

Nang nangangampanya pa si P-Noy noong 2010, ipinangako niyang wawakasan ang impunity o pagpaslang sa mga mamahayag at uusigin ang mga may kagagawan. Subalit, matatapos na sa isang buwan ang kanyang termino, wala pa ring nakuhang proteksiyon ang mga mamamahayag.

Noong 2015, sunud-sunod ang pagpatay sa mga mamamahayag. Kabilang sa mga pinatay sina Nerlita Ledesma, Maurito Lim, Mei Magsino, Cosme Maestrado, Teodoro Escanilla, Gregorio Ybañez at Jose Bernardo.

Ang pinaka-karumal-dumal na pagpatay sa mga mamamahayag ay nangyari noong Nob. 23, 2009 sa Maguindanao. Tatlumpong mamamahayag at 28 sibilyan ang minasaker kaugnay sa election.

Sa pagpasok ng Duterte administration, nag-e-expect ang mga mamamahayag na mawawakasan na ang mga pagpatay sa kanilang hanay at mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng mga kawawang pinabulagta ng bala. Itigil na ang karumal-dumal na pagpatay at usigin ang mga killer at utak nito.

vuukle comment

MGA SWERTENG DULOT NG NUMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with