^

Punto Mo

Sir Juan (112)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

 “WALA naman akong nararamdamang sumusunod sa atin, Mahinhin?’’ tanong ni Sir Juan habang naglalakad sila sa madilim na bahagi ng kalsada patungo sa terminal ng jeepney.

“Baka po natakot dahil may kasama na ako,” sabi at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa matigas na braso ni Sir Juan.

“Baka nga. Pero sigurado ka bang  ikaw ang sinusundan? Baka naman nagkakamali ka?”

“Ako lang po ang naglalakad dito kahapon. Wala pong ibang tao.’’

“Sana ay lumingon ka para nakita mo ang itsura.’’

“Natakot nga po ako. Talagang kabang-kaba ako.’’

Lumingon si Sir Juan.

“Wala talagang sumusunod.’’

“Natakot po siguro.’’

Hanggang sa marating nila ang jeepney terminal. Sumakay sila sa isang jeepney na marami pa ang kulang na pasahero. Su­misigaw ang barker. Sa pinakadulo umupo sina Sir Juan. Nakakapit pa rin si Mahinhin sa matigas na braso ni Sir Juan. Hinahayaan naman ni Sir Juan ang pagkapit ni Mahinhin. Siguro’y talagang ninerbiyos si Mahinhin. Malamig ang palad ni Mahinhin.

“Ang lamig ng palad mo,” sabi niya rito.

“Natatakot po kasi ako Sir Juan.’’

“Huwag ka nang matakot at narito naman ako.’’

“Kaya nga ako nakakapit sa braso mo Sir Juan. Para bang safe na safe ako. Ang tigas ng braso mo.’’

“Nagbubuhat kasi ako ng bakal.’’

“Nag-dyi-gym ka?’’

“Hindi. Sa kuwarto lang. May isang set ako ng barbell dun.’’

“A kaya pala ang tigas.’’

Napuno ang dyipni. Umalis ito. Marami pa silang pinag-usapan habang tumatakbo.

Hanggang makarating sila sa kantong babaan.

Inalalayan ni Sir Juan si Mahinhin sa pagbaba.

Habang naglalakad patungo sa boarding house, nakakapit pa rin si Mahinhin sa matitigas na braso ni Sir Juan.

Hanggang sa sumapit sila sa gate ng boarding house. Binuksan ni Sir Juan. Napakapit pa uli si Mahinhin sa braso kahit nasa loob na sila.

Wala silang kamalay-malay na nakita sila ni Nectar.

Halos mag-apoy na naman sa galit si Nectar.

Sinundo pa ni Sir Juan ang malandi!

(Itutuloy)

 

ACIRC

AKO

ANG

BINUKSAN

HANGGANG

JUAN

MAHINHIN

NATAKOT

SIR

SIR JUAN

WALA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with