Narcopolitics, titindi!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

Titindi pa umano ang “narcopolitics” sa bansa habang papalapit nang papalapit ang halalan sa Mayo.

Ito ang paniwala hindi lamang ng mga awtoridad kundi ma­ging ng ilang mga mambabatas.

Aminado silang, posibleng ang ilang kandidato ay sumangkot sa operasyon ng illegal drug trade para magamit sa kanilang pangangampanya.

Hindi lamang ito nakakaalarma kundi nakakatakot na isipin na ang ilegal na droga na ang nagagamit para pagkakitaan sa ambisyung politikal ng ilang kandidato.

Ni hindi na talaga  isina-alang alang ang kapakanan ng  komunidad at mga mamamayan basta’t hindi sila mapag-iwanan sa gastos sa halalan.

Kahapon matapos ang isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, inamin ni PDEA Director General Arturo Cacdac Jr. na totoong nagaganap ang “narcopolitics” sa bansa at ang katunayan umano noon lamang nakalipas na taon nasa 200 mga government officials na sangkot sa illegal drug trade ang kanilang naaresto.

Karamihan sa mga nadakip ay mga  brgy. captain at councilors.

Maituturing din umano, ayon sa ilang mambabatas na ang nagaganap na ‘narcopolitics’ sa bansa ay maituturing na national threat na dapat mapag-ukulan ng matinding pansin ng national government.

Kamakailan, mismong si Presidential candidate Sen. Grace Poe ang nagsabing hindi imposibleng magamit na campaign fund ang pera mula sa droga lalo na nga’t wala ng pork barrel funds.

Sa panig naman ng PDEA , ayon pa kay Cacdac tinuturing nilang mga high value target ang  mga  government officials na nadadawit sa operation ng droga. Kaya pasensiyahan na lang daw, lalo na ngayon na magsisimula na ang kampanya para sa eleksyon hindi sila tatantanan.

Hindi biru-biro ang bagay na ito na dapat maseryoso ng gobyerno.

Banta ang ilegal na droga sa peace and order ng bansa na kailangan nang tuluyang masawata.

ACIRC AMINADO ANG BANTA CACDAC DIRECTOR GENERAL ARTURO CACDAC JR. GRACE POE HINDI ITO MGA SENATE COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with