EDITORYAL - Narco-politics
(Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

KABI-KABILA ang pagkakatimbog ngayon sa drug traffickers. Halos araw-araw ay may nahuhu­ling Chinese at nakukumpiska sa kanya ang mara­ming sachet ng shabu. Mayroon namang ni-raid na condominium at nakita sa loob ang mga makinarya at sangkap sa paggawa ng shabu. Halimbawa ay ang sinalakay na condo sa Sta. Cruz, Manila dalawang linggo na ang nakararaan at naabutan pa roon ang dating intelligence officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kataka-takang ang paglitawan ng mga Chinese o Tsinoy drug traffickers at ganundin ang pagkakadiskubre ng shabu laboratories ay nangyari ngayong papalapit na ang eleksiyon. Tila may malaking koneksiyon ang eleksiyon at illegal drugs kung bakit nangyayari ito. Maaaring ang kikitaing pera sa illegal drugs ay gagamitin para mapondohan ang kandidatura ng pulitiko. Nakapagtataka ang pagbaha ng illegal na droga sa bansa lalo ang shabu.

Kung totoo, ito na ang narco-politics. Popondohan ng perang galing sa illegal drugs ang kandidatura ng pulitiko. Sa dami ng perang ipamumudmod sa kampanya, tiyak na ang panalo ng kandidato. Landslide ang panalo ng kandidatong pinondohan ng drug syndicate.

Nakakatakot kung mangyayari ito, at maaaring mangyari kung hindi kikilos para mabuwag ang sindikato ng droga. Mamamayagpag sila at sisiguruhin ang panalo ng kanilang manok. Makikinabang sila kapag nakapuwesto na ang kandidato. Lalong dadagsa ang illegal na droga sa bansa at magiging balwarte na ng mga “salot”. Ang lubhang kawawa ay ang mga kabataan na lalong sisirain ng bawal na gamot.

Mag-ingat ang mamamayan sa pagboto at baka ang iboboto ay “manok” ng sindikato na lalong magpapalubog sa bansa sa kumunoy ng bawal na gamot. Siyasatin ang pagkatao ng iboboto.

ACIRC ANG CRUZ DRUG ENFORCEMENT AGENCY HALIMBAWA KATAKA LALONG MAAARING MAKIKINABANG MAMAMAYAGPAG MAYROON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with