Sir Juan (108)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 29, 2016 - 9:00am

WALANG kamalay-malay si Mahinhin na mayroon na namang bagong naiisip si Nectar para siya perwisyuhin. Talagang hindi titigil si Nectar hangga’t hindi nasasaktan si Mahinhin. Gusto talaga niyang may masamang mangyari kay Mahinhin. Lalo pa ngang nadagdagan ang galit ni Nectar kay Mahinhin nang makita niyang nakikipaghalikan ito kay Sir Juan. Suklam na suklam siya kay Mahinhin kaya naipangako na tala-gang hindi niya ito titigilan hangga’t hindi nakakaganti. Gusto rin niyang agawin ang atensiyon ni Sir Juan mula sa kamay ng malanding babae. Patutunayan niyang mas may alindog siya kaysa kay Mahinhin. Isa pa, hindi siya malaswa na kagaya ni Mahinhin na nagsasayaw nang hubu’t hubad sa club. Nagtataka siya kung bakit nagustuhan ni Sir Juan si Ma­hinhin.

Nag-isip si Nectar kung dapat na niyang paligawan si Mahinhin kay Gringo. Kaso, nawawalan siya ng tiwala kay Gringo. Mahinang dumiskarte si Gringo kaya nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ang balak na padiskartehan si Mahinhin. Baka isabit pa siya ni Gringo. Saka na lamang niya itutuloy ang balak. Ang kanyang bagong naisip ang susubukan niya. Kapag nagtagumpay, babay Mahinhing landi!

Unang ginawa ni Nectar ay nagsagawa muna ng surveillance kay Mahinhin. Kailangang malaman niya ang mga routine  ni Ma­hinhin.

Sinundan niya isang umaga si Mahinhin habang papasok sa unibersidad. Nakita rin niya sa wakas ang school ni Mahinhin.

Habang pinagmamasdan si Mahinhin na papasok sa campus ay naglalaro na sa isipan ni Nectar ang mga gagawin dito.

Humanda ka Mahinhin! 

(Itutuloy)

ACIRC ANG HABANG HUMANDA ISA ITUTULOY KAILANGANG KAY MAHINHIN SIR JUAN SIYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with