^

Sir Juan (98)

Ronnie M. Halos (Pang-masa) - January 19, 2016 - 9:00am

KINAUSAP ako ni Nectar at nagtataka siya kung bakit narito ka na uli sa boarding house,” sabi ni Sir Juan kay Mahinhin. “Pero wala akong sinabing anuman sa kanya.’’

“Ako man po ay kinausap din niya noong isang araw at tinanong nang tinanong ukol sa pagbabalik ko rito.’’

“Anong sinagot mo?’’

“Wala po. Di po ba sabi mo sa akin, wag akong sasagot?’’

“A oo nga pala. Mabuti kung ganun.’’

“Gusto ko na nga pong magsalita nang sabihin niya na ang kapal ng mukha kong magbalik dito e malaswa naman ang ginagawa kong pag­huhubad sa KOLEHIYALA. Gusto kong sabihin na hindi ako nude dancer kundi bookkeeper.’’

“Mabuti nga at sinunod mo ang payo ko.’’

“E ano po ba ang mahalaga mong sasabihin, Sir Juan?’’

“Ah oo nga pala. Kasi’y may kutob ako na mayroon na namang binabalak sa iyo si Nectar. Nabasa ko ang iniisip niya at dahil dun, kailangan na nating simulan ang plano laban kay Nectar.’’

“Ano po ang gagawin natin?’’

“Bukas, ipakikita natin kay Nectar na naghahalikan tayo sa may pinto. Kaila­ngang masaksihan niya para hindi na siya umaasa pa.’’

“Hahalikan mo ako, Sir Juan?’’

“Oo Mahinhin. Di ba yun ang usapan natin?’’

“Sa labi po ba?’’

“Oo.’’

(Itutuloy)

ACIRC ANG ANO ANONG BUKAS HAHALIKAN ITUTULOY KAILA KASI OO MAHINHIN SIR JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with