Tamang panonood ng TV

WANNA BET - Bettinna P. Carlos (Pang-masa) - December 12, 2014 - 12:00am

NAGBIGAY ng patnubay ang Anak TV sa tamang pano­nood ng telebisyon lalo na kung may kasamang bata.

1. Ang panonood ng TV ay dapat limitahan at may oras. Hindi puwedeng kapag tuluy-tuloy ang mga programa ay tuloy-tuloy lang din ang panonood. Hindi lang programa ang dapat na binabantayan kundi pati rin ang exposure ng mga bata sa radiation.

2. Kapag wala pang dalawang taon ang bata, huwag munang iharap sa TV dahil sa radiation emission.

3. Kung dalawang taon pataas, limitahan sa dalawang oras lamang ang panonood. Nakaka-strain sa mata ng bata kung matagal nakatutok sa TV.

4. Minsan lang bata ang mga anak, panahon ng laro habang bata pa. Gawin kung ano ang dapat na ginagawa nila sa edad nila. Maglaro sa kalsada, sa hardin, magtatatakbo. Huwag sanaying nakaprente sa TV.

5. Gawing gantimpala at hindi libangan ang panonood ng TV. Gawin itong reward para sa magandang asal. Huwag gawing hobby na basta may libreng oras ay TV kaagad.

6. Hikayatin ang mga batang magbasa, makipagkuwentuhan, makipaglaro, magsulat at iba pa.

7. Kung alam na walang magandang palabas, huwag buksan ang TV.

8. Hindi dapat pahintulutan na manood ng TV habang kumakain. Kapag oras ng pagkain, kumain lang dapat.

9. Magtakda lamang ng oras at araw ng panonood ng TV. Manood kung Biyernes at Sabado. Huwag manood kung Linggo hanggang Huwebes.

10. Ilagay ang TV sa sala upang makikita ng lahat kung ano ang pinapanood ng bata. Hindi rin magandang lumaki ng may TV sa kuwarto ang bata. Para na rin family bonding ang panonood ng programa.

11. Ingatang mawalan ng gana sa pag-aaral ang bata dahil sa TV.

12. Magtakda ng regulation at rules sa panonood ng TV. Siguraduhin ding magiging istrikto sa pagpapatupad ng mga ito. Huwag iyong kaunting makaawa lang ay bibigay na kaagad. Limitahan talaga ang uri ng palabas at bilang ng oras na pwedeng gamitin ng mga bata ang TV.

13. Obserbahan ang mga bata sa panonood. Masdan ang reaksiyon.

14. Maging mapanuri at mapili sa mga programang makabata. Hindi porke’t cartoons ay pambata.

15. Magandang habang nanonood ang bata ay katabi ang magulang para may follow up at pagpapaliwanag na maganap sakaling may maseselang eksena o kaya naman ay may mga katanungan ang anak.

 

ANAK BATA GAWIN HUWAG KAPAG KUNG MAGTAKDA PANONOOD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with