Binay at Mercado, i-lifestyle check!
KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar (Pang-masa) - November 21, 2014 - 12:00am

LALONG lumalawak ang isyu sa pagitan ng kampo ni Vice President Jejomar Binay at dating Makati City Vice Mayor Ernesto Mercado.

Sina Binay at Mercado ay dating magkaibigan at matagal nagkasama sa pamumuno sa lungsod. Pero ngayon, nagbabatuhan sila ng mga alegasyon tungkol sa mga ari-arian.

Bumuwelta ang kampo ni Binay at iginiit na si Ariel Olivar ang tunay na dummy ni Mercado. Katunayan daw ay ito ang nagsilbing front sa mga kompanya ni Mercado na nakakorner ng P1 bilyon proyekto.

Marami palang ari-arian si Mercado ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco at spokesman ni Binay. Nakakalula ang mga pag-aari ni Mercado tulad ng pag-aari ng lupain sa Palawan, condominium at iba pa.

Sa mga ari-arian ni Mercado ay hindi rin ito nalalayo sa mga napapaulat na umano’y kayamanan ni Binay na parehong hindi naisama sa kanilang SALN.

Dapat isailalim sa lifestyle check sina Binay at Mercado upang matiyak kung may katotohanan ang mga alegasyon at matukoy kung totoong pag-aari nila ang mga napaulat na kayamanan.

Ang pinaka-importante ay mapanagot ang mga ito kung saan nagmula ang nasabing kayamanan.

Sana naman kahit si Mercado ay tumatayong testigo, habulin ito kung may tagong yaman na nakuha umano dahil sa pagsasamantala habang nanunungkulan sa Makati.

Walang sisinuhin at kahit sino ay papanagutin kung winaldas ang pondo ng bayan.

 

ARIEL OLIVAR BINAY BUMUWELTA MAKATI CITY VICE MAYOR ERNESTO MERCADO MERCADO NAVOTAS REP SINA BINAY TOBY TIANGCO VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with