NPA lider todas sa encounter
MANILA, Philippines — Isang pinaghihinalaang lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay sa isang sagupaan sa Brgy. Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental nitong Martes ng umaga.
Kinilala ang nasabing lider ng NPA sa alyas na “Ka Marcos”, Squad Leader ng Central Negros NPA Command.
Sa ulat, alas-7:00 ng umaga nang magresponde ang tropa ng mga sundalo sa nasabing lugar matapos namang makatanggap ng report hinggil sa isinasagawang pangongotong ng grupo ni Ka Marcos sa mga residente partikular na sa mga magsasaka.
Agad nagkaroon ng palitan ng putok at nasawi si Ka Marcos.
- Latest















