^

Police Metro

34 missing sabungeros patay na

Manny Tupas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinulgar ng isa sa mga suspek na patay na ang 34 na nawawalang sabungero at kanilang mga bangkay ay nakabaon sa isang lugar sa Taal Lake.

Ang suspek ay isa sa anim na security guards sa Manila Arena, ay gumawa ng kanyang rebelasyon sa panayam ng GMA News 24 Oras na nitong Miyerkules ng gabi.

Nauna nang tinukoy ng Philippine National Police (PNP) ang mga suspek sa pagkawala ng mga sabungero na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion at Ronerto Matillano Jr.

Sinabi nito na pinatay ang 34 s­abungero sa pamamagitan ng pagbigti sa kanilang leeg gamit ang alambre.

“Paano mabubuhay ’yan eh nakabaon na ‘yan doon sa Taal Lake. Lahat ‘yan kung huhukayin mga butu-buto na lang, paano natin makikila na sila ‘yun,” ayon kay Totoy. Bukod sa mga sabungero, ibinunyag ni Totoy na nakalibing din umano sa Taal Lake ang mga drug lords.

Ayon kay Totoy, nagpasya siyang lumantad at sabihin ang mga nalalaman sa krimen dahil sa mga natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay at ng kanyang pamilya.

CRIME

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with