2 terorista utas sa encounter
MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang terorista ang napatay sa magkakahiwalay na engkuwentro sa tropa ng militar sa lalawigan ng Maguindanao del Norte at Sultan Kudarat.
Sa report ni Brig. Gen. Romulo Quemado II, Commander ng 1st Marine Brigade, napatay si Norsaidie Samo Tato, miyembro ng Tato Group, isang kilalang armadong grupo na sangkot sa mga gawaing kriminal sa lugar sa bakbakan, alas-5:00 ng umaga nitong Abril 18, 2025 sa Barangay Meti, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nasamsam sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang shotgun, isang Springfield Armory caliber .45 pistol, at isang caliber .22 pistol na may scope.
Naitala naman ang ikalawang engkuwentro, alas-5:00 ng hapon sa parehong araw sa Purok Patyog, Brgy. Banali, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) terrorist group matapos makasagupa ang mga tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion.
- Latest