^

Police Metro

168 estudyante na-recruit ng CPP-NPA

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula 2014 hanggang ngayon ay umabot na sa 168 estudyante ang na-recruit ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang iniulat ng Colonel Randy Arceo, Directorate for Operations ng PNP, sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs kaugnay ng radikalisasyon at paghikayat ng NPA sa mga estudyante sa mga educational institution.

Sa nasabing bilang na na-recruit, 33 estudyante ang namatay sa operasyon, 42 ang inaresto at 93 naman ang sumuko sa mga otoridad. Hindi kasama sa nasabing datos ng kasalukuyang missing o nawawalang mga estudyante.

Ipinakita rin ng PNP ang listahan ng mga eskuwelahan kung saan may mga na-recruit ng estudyante tulad ng Putian National High School sa Capiz, University of the Philippines-Diliman, Polytechnic University of the Philippines (PUP) Manila, UP Manila, UP Tacloban, UP Cebu, UP Clark, UP Mindanao, Dela Salle University, Bicol University at Ateneo de Davao.

Ayon pa sa PNP, 11 mag-aaral ang na-recruit na nasa elementary, 34 sa high school at 123 naman sa kolehiyo o unibersidad.

“Recruitment in schools is happening widely. Recruitment passes through certain school based student organization. Communist insurgency destroyed the live of many of our youth,” sabi ni Arceo sa komite.

Nang tanungin ni Senador Bato dela Rosa ang kinatawan ng UP Diliman kung bakit patuloy ang recruitment sa kanilang campus, sinabi ni Assistant Professor Jerwin Agpaoa, Vice Chancellor for Student Affairs ng UP, na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga otoridad para pag-usapan ang ang isyung ito.

vuukle comment

CPP-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with