^

Police Metro

Lover na pumatay sa dyowa, 2 pamangkin kinasuhan ng murder

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Lover na pumatay sa dyowa, 2 pamangkin kinasuhan ng murder
Iniharap kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos (nakaupo sa kanan) ang naarestong suspek na si Vicente Karagay na pumatay sa kanyang ka-live in at dalawang pamangkin sa Las Piñas City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tatlong bilang ng murder ang isinampang kaso ng pulisya laban sa 36-anyos na mekaniko na pumatay sa kanyang live-in partner at dalawang pamangkin na estudyante nitong Sabado.

Iniharap kahapon ni Interior and Local Govern­ment Secretary Benhur Abalos ang suspek na si Vicente Karagay na naaresto ng mga pulis dakong alas-10:00 ng gabi sa Aurora Drive Extension, Vergon Ville, Subdivision, Pulang Lupa, Las Piñas City.

Lumilitaw na pinagpapalo ng dos por dos at tinali pa ng suspek ang live-in partner na si Mary Jean Avelina, 27; Natalie Jane Cabintot, 19 at Oliver Bula, 11, kapwa estudyante.

Nadiskubre lamang ang bangkay ng mga biktima nang magreport ang isang kaanak na nakalanghap ng masangsang na amoy mula sa kuwarto ng mga biktima sa Charles St., San Joseph Subdivision, Brgy. Pulang Lupa Dos, Las Pinas.

Inamin ng suspek ang krimen na kaya niya nagawa ay nagselos siya nang malaman na may ibang karelasyon ang ka-live in.

Nadamay lang ang dalawang estudyante nang ito ay makialam sa away nila kaya’t dito rin niya ibinuhos ang kanyang galit. Nangyari ang krimen nitong Mayo 16, subalit Sabado lamang natagpuan ang bangkay ng mga biktima. Samantala, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez na ang suspek ay positibo sa droga.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with