1K mahihirap na pamilya sa Bukidnon tumanggap ng ayuda sa ACT-Agri Kaagapay
MANILA, Philippines — Nasa 1,000 indigent families at mga magsasaka ang pinagkalooban ng bigas at tulong-pinansiyal sa isinagawang Oath Taking Ceremony at launching ng Rice Distribution program ng Act-Agri Kaagapay Organization sa Bukidnon noong Sabado.
Ang distribusyon ng bigas at financial assistance ay pinangunahan nina Act-Agri Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez at Valencia City, Bukidnon, Mayor Azucena Huervas upang makalikha ng programa na magbibigay sa mga mahihirap at vulnerable families ng saku-sakong bigas at cash na magagamit nila sa pagsisimula ng pagkukunan ng kabuhayan.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga political leaders sa lalawigan ng Bukidnon at sinaksihan ng libu-libong residente ng Valencia City, Bukidnon.
Sa kanyang talumpati sa nasabing aktibidad, sinabi ni Rodriguez na mag-i-sponsor rin siya ng iba’t ibang seminar kung paano gumawa ng organic fertilizers sa Valencia City. Ani Rodriguez, makakatulong ito sa mga magsasaka na magkaroon ng masaganang ani sa lahat ng produktong agrikultural, sa pamamagitan nang paggamit ng organic materials na mula sa kanilang sariling bakuran.
Si Rodriguez, na siyang awtor ng librong “Leave Nobody Hungry,” ay advocate ng organic fertilizers sa bansa at may layuning matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng masaganang ani, sa pamamagitan ng mura at ligtas na pataba, kumpara sa kemikal na fertilizers na maaari pang magdulot ng problemang pangkalusugan gaya ng kanser.
- Latest