^

Police Metro

Dating police asset patay sa tandem

Ludy Bermudo - Pang-masa
Dating police asset patay sa tandem
Dead on the spot ang biktimang kinilala sa alyas na “Juancho,” empleyado ng isang pawnshop na matatagpuan sa Lopez Ave­nue, Barangay San Isidro, Parañaque City.
File

MANILA, Philippines — Isang empleyado ng sanglaan na dating asset ng pulisya ang nasawi makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspects na sakay ng motorsiklo, kamakalawa ng umaga sa Parañaque City.

Dead on the spot ang biktimang kinilala sa alyas na “Juancho,” empleyado ng isang pawnshop na matatagpuan sa Lopez Ave­nue, Barangay San Isidro, Parañaque City.

Sa inisyal na imbestigasyon, alas-7:30 ng umaga habang nagbubukas ng sliding metal accordion ng pawnshop ang biktima nang bumaba ang angkas sa motorsiklo at walang kaabug-abog na pinaulanan ng bala ang biktima.

Batay naman sa CCTV footage, sumulpot ang riding-in-tandem sa lugar at ipinarada sa tabi ng iba pang motorsiklo. Iniwan ng isa sa suspek ang kasama sa parada.

Sa isa pang footage naman ay makikita  ang pagtakas ng dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Ayon naman sa Para­ñaque police, kanilang tintingnan ang anggulong paghihiganti bilang posibleng motibo sa krimen dahil naging dating police asset ito na nakapagpakulong sa mga suspects na kanyang trinabaho sa operasyon.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with