^

Police Metro

Lalaki niratrat ng tandem habang naglalakad

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang pinagbabaril habang naglalakad ng riding-in- tandem suspect, kahapon ng madaling araw sa Que­zon City.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Nova District Hospital dahil sa mga tama ng bala sa likod at tiyan ay kinilalang si Paolo Unabia, 47, ng No.581 Wings Compound, Brgy. Bagbag, Novaliches, Que­zon City.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Alexander Galgana, 32, alyas Antong ng No. 625 Biglang-Awa, Brgy. Bagbag Novali­ches, Que­zon City habang pinag­hahanap pa ang mga kasabwat nito na sakay ng Mio i 125 motorcycles na may plakang 825NXJ.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang pamamaril, ala- 1:25 ng madaling araw sa eskinita ng No. 625 Biglang-Awa Compound nang nasabing barangay.

Sa pagsusuri ng pulisya sa CCTV ng barangay ay nakita si Galgana na naglalakad habang hawak ang kanyang cellphone.

Kasunod nito, nakita  rin sa CCTV na itinuro ni Galgana sa riding-in- tandem ang  nakatayong si Unabia sa eskinita.

Dito na lumapit ang riding-in-tandem at pinagbabaril nang mala­pitan ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa pamamaril at posibleng motibo sa krimen.

vuukle comment

RIDING-IN- TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with